200 NA BHERT/BHW NG ASINGAN NABIGYAN NG BAKUNA; MGA SENIOR CITIZEN SUSUNOD SA PRAYORIDAD
Sa inilabas na abiso ng Rural Health Unit of Asingan ngayong May 7, 2021 ng 4PM, nasa 12 na lamang ang active cases.
Si Patient No. 126 ay 63-anyos na babae mula sa Barangay Bantog. Siya ay may travel history sa mula sa bayan ng Tayug at kasalukuyang nasa Tayug Family Hospital.
Si Patient No. 127 ay 57-anyos na babae mula sa Barangay Calepaan, may travel history sa siyudad ng Dagupan at kasalukuyang naka-home quarantine..
Ang pang-128 kaso naman ay ang 69 anyos na babae mula sa Barangay Bantog, na walang travel history at kasalukuyang nasa Asingan Community Hospital.
Mula naman sa Barangay Carosucan Sur si Patient No. 129, 77-anyos na lalaki. Ito ay may travel history sa siyudad ng Urdaneta at pumanaw na.
Sa gitna nito, nilinaw ni Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas na hindi na kinakailangan na magpalipas ng 3 buwan ang mga pasyenteng nahawa at kasalakukuyang may Covid 19 bago magpabakuna.
“sa unang guidelines, kapag nagpositive ka lalo na at kung nag gamot ka ng monoclonal immunoglobulin, yung mga gamot para doon sa mga severe O critical na Covid… kailangan mong maghintay muna ng 90 days bago ka magpabakuna. Pero sa ngayon, kapag nagka-Covid ka pwede ka nang magpabakuna immediately.” ani ni Dr. Tomas.
Ngayon araw ay nasa 200 na katao mula sa hanay ng Barangay Health Workers at miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang nabakunahan na gamit ang Sinovac.
“Kung natapos na namin yung health workers susunod na sila [Senior Citizen] kaya sa mga mahal kong kababayan dapat magpabakuna tayo para may panlaban tayo sa sakit na Covid. Alam naman natin ngayon kung nanonood kayo sa tv lalo na yung variant ng India.. mahirap, sobrang daming namamatay hindi tayo babalik sa normal kung hindi mababakunahan yung 70 percent ng population ng Pilipinas.” dagdag ni Dr. Tomas.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan