Nasa isangdaan at limampung (150) indigent na mga buntis sa bayan ng Asingan ang nabiyayaan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. ng oral kits na naglalaman ng toothpaste, toothbrush, face towel at bath soap kabilang na rin dito ang water jerry cans.
Katuwang ng alkalde sa pamamahagi ang Municipal Health Office (MHO) sa ilalim ng pamumuni ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Dentist Dr. Aurelia Velasco at Sharon Bugarin, Sanitation Inspector II at Municipal Population Worker ng bayan ng Asingan.