Sa bayan ng Asingan, hindi na lang kasa-kasama sa bukid ang mga kalabaw dahil ang kanilang gatas ginagamit na rin lokal na pamahalaan sa kanilang Milk feeding program.
Ngayong araw namigay si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ng isanlibo at tatlong daan (1,300) pakete ng gatas ng kalabaw sa mga chikiting mula sa Day Care Centers.
Kasama niya si Maricel Badua ang focal person ng Early Childhood Care Development Program na nasa ilalim ng Municipal Social Welfare & Development (MSWD) Office sa pamumuno ni Teresa Mamalio.
“Alam naman niyo naman na isa sa ating adhikain na mabigyan ng magandang assistance in terms of health program ang ating mga students. Yun yung programa natin ng local government unit through sa opisina ng DSWD, yung support natin sa feeding program para sa ating mga day care student. ” ani ni Mayor Lopez Jr.
Base sa mga ginawang pag aaral, ang gatas mula sa kalabaw ay mas mayaman sa vitamin A, protina at calcium kumpara sa gatas ng baka.
Una nang ginawa ang milk feeding program sa mga kulang sa timbang o malnourished na mga bata sa bayan ng Asingan.
“Kasi yan nakita natin, yung impact ng pagbibigay ng gatas sa ating mga malnourished na mga bata. So ang ganda ng impact niya after a month, ang ganda ng recovery ng mga bata. So ganun din ang gagawin natin sa mga daycare student natin. Para matulungan sila na mabigyan ng magandang pangangatawan sa pamamagitan ng magandang supplement na galing sa local government unit.” dagdag ng alkalde.
Ang milk feeding program ng lokal na pamahalaan ng Asingan ay nagsimula ngayong araw hanggang matapos ang siyamnapung (90) araw.