Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

113 na Bulilit, Nagpaligsahan sa Tooth Award sa Bayan ng Asingan

Sep
8,
2023
Comments Off on 113 na Bulilit, Nagpaligsahan sa Tooth Award sa Bayan ng Asingan
113 na Bulilit, Nagpaligsahan sa Tooth Award sa Bayan ng Asingan
Karamihan sa mga bata ay mahilig sa pagkaing matatamis na madalas na dahilan ng pagkabulok at pagkasira ng ngipin.
Upang ito ay maiwasan, ang lokal na pamahalaan ng Asingan ay may pakulo na nakataon sa oral health ng mga chikiting, ang The Outstanding Orallt Fit and Totally Healthy Children o TOOTH Award.
“Yearly na ginagawa namin, bale ika-10th year na ngayon para maging aware yung mga parents na alagaan yung mga ipin ng mga bata. Para iwas sakit kasi usually yung mga ngipin na hindi nalilinisan or nagkaka-cavities yun yung mga palaging nagkakasakit na bata,” ayon kay Dr. Aurelia Velasco, Municipal Dentist.
Abot tenga ang ngiti ng 113 chikiting mula sa 25 Child Development Center na lumahok sa nasabi ng paligsahan.
Ipinamalas ng limang taong gulang na si Aleria Gabrielle Jamias mula sa Bantog Child Development Center, ang kaniyang magaganda at maayos na mga ngipin upang maiuwi nito TOOTH Award.
“Always nating alagaan yung ngipin ng ating mga children dahil ito yung nagsisilbing ganda nila kasi ito yung unang unang nakikita ng mga tao, yung teeth nila. Kaya kailangan proteksyunan yung ating mga ipin,” pahayag ni Analyn Adviento, taga-alaga kay Aleria.
Ayon sa Department of Health (DOH), nasa mahigit 70 milyong Pilipino ang may sirang ngipin habang nasa halos kalahati naman ng populasyon ang hindi pa nakakapag-pakonsulta sa dentista.
“Napakabasic po mga minamahal kong mga tatay at nanay, gawin po natin ito regularly. Maging habit na po ito na we maintain yung good health condition ng ating mga anak,” saad ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon naman kay Vice Mayor Heidee Chua mahalaga ang regular na pagpapatingin sa dentista dahil nakakatulong ito sa pagpapanatili ng malusog na mga ngipin at gilagid.
“Kung maraming bukbok, kung hindi maganda ang ipin yun pong ating pagkalusugan ay maapektuhan. Sana po lagi nating tandaan na ang kalusugan po, yan po ang pinakamahalaga na kayamanan natin,” paalala ng bise alkalde.
Ilan sa mga dumalo sa programa ay sila Councilor Marivic Robeniol, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer Dr. Jesus Cardinez, Community Affair Assistant II Dr. Crispin Villanueva, Municipal Social Welfare and Development Office – Social Welfare Officer 1 Princess Poon at staff mula sa Rural Health Unit Asingan .

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top