100 HEKTARYANG SAKAHAN MAKIKINABANG SA IPAPAGAWANG MINI DAM SA ARBAN!
Nasa 100 hektarya sakahan mula sa Barangay Ariston East, Ariston West at Bantog ang makikinabang sa ipapatayo na “Mini Dam” para sa taong 2020 ito ang sabi ni Mayor Carlos Lopez Jr sa kanyang pagbisita sa Sitio Departe ng Barangay Bantog at Sitio Caniogan ng Ariston West .
Taong 2009 huli pang nakaranas ang mga magsasaka ng patubig mula sa irigasyon na nagmula pa sa bayan ng San Manuel. Ito ay noong panahon ng dating Mayor Carlos Lopez Sr.
Sa bagong itatayong “mini dam” ang tubig ay magmumula sa Agno river at sa pamamagitan ng mini dam ay mas mapapabuti ang produksiyon ng bigas dahil sa regular na supply ng tubig sa mga sakahan lalo na sa panahong atrasado na ang tubig ulan.