Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?,??? ????-?? ??????????? ?????, ???????? ????? ???? ?? ?????????

Oct
18,
2021
Comments Off on ?,??? ????-?? ??????????? ?????, ???????? ????? ???? ?? ?????????


?,??? ????-?? ??????????? ?????, ???????? ????? ???? ?? ????????? ?? ???????
Bakas pa sa dalawampu’t tatlong taong gulang na si Edrian John Malunay ng barangay Baro ang mga sugat na natamo ng maaksidente sa motor itong nakalipas na buwan, ngunit hindi ito naging hadlang upang magpabakuna na kontra Covid 19.
“Gusto ko na magpabakuna dati pa kaso disgrasya eh maganda yung nabakunahan na. Para po sa seguridad para sure na, mahirap na magkasakit ngayon eh.” ani ni Malunay.
Sa anunsyo ng Rural Health Unit (RHU) Asingan, sisimulan na bukas, araw ng lunes mula ala siyete ng umaga hanggang ala singko ng hapon ang pagpapabakuna kontra Covid 19 sa isang libo at limampung indibidwal nasa edad labing walo pataas gamit ang Sinovac at Pfizer.
Paalala ng Rural Health Unit Asingan ito ay first come, first serve basis.
Kailangan lamang aniyang magdala ng ID o valid document na nagpapatunay na residente ng Asingan.
Nasa anim na libong dose ang inilaang bakuna para sa first dose, ayon sa lokal na pamahalaan ng Asingan,
“Ito po iniimbitahan na natin lahat na po ng mga kababayan natin na hindi pa nabakunahan, na magpabakuna na po tayo. Para hindi na po tayo hahantong sa severe condition pag nagka covid po tayo. Kayo po ay pumunta sa aming municipal gymnasium para po maivaluate po namin kayo kung kayo po ay pwedeng bakunahan o hindi.” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top