Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?,??? ?? ??????? ??? ?? ????, ?????? ??????????? ??????? ????? ?? ???????

Mar
1,
2022
Comments Off on ?,??? ?? ??????? ??? ?? ????, ?????? ??????????? ??????? ????? ?? ???????
?,??? ?? ??????? ??? ?? ????, ?????? ??????????? ??????? ????? ?? ???????; ??????? ??? ????? ???? ???? ??? ????????? ?? ?????? ???? ?? ???
Bukod sa Covid 19 maituturing din na public health concern sa bansa ang rabies at para pigilan ang banta niyan sa kalusugan, magsasagawa ngayon buwan ng Marso ang Municipal Agriculture Office ng Asingan ng libreng bakuna para sa mga alagang aso at pusa.
Bitbit ang pusa ipinila ng anim na taong gulang na si Dwayne Christian Episcope ang alagang si “buwan” sa barangay Toboy kaninang umaga.
Ani Dwayne maigi ng mabakunahan ang kanyang alagang si “buwan” upang mailayo sa banta ng rabies.
Bahagi ng taunang programa ito ang lokal na pamahalaan at Municipal Agriculture Office para sa pagdiriwang ng Rabies Awareness & Prevention Month.
Target ng ahensiya na mabigyan ng protekyon ang nasa apat na libong alagang aso’t pusa.
“Actually January pa lang sana magsisimula na kami but because of Covid 19 pandemic, na delay nang na delay kasi nga may omicron upsurge kaya pinostpone. At ngayon nagresume na naman kaya itinaon na namin sa awareness and prevention month na which is March.” pagliwanag ni Dr. Anton Soliven, Municipal Veterinarian ng Asingan.
Paalala naman ni Dr. Soliven sa mga fur parents na samantalahin ang mga ganitong pagkakataon na ibinibigay ng gobyerno.
“Yung mga pet owners pabakunahan niyo yung mga alaga niyong mga aso, pusa para maiwasan natin ang rabies infection lalong lalo na ngayong tag araw mataas ang insidente ng rabies.” dagdag ni Dr. Soliven.
Sa datos ng Department of Health – National Epidemiology Center (DOH-NEC) mahigit dalawang daan ang namamatay dahil sa rabies sa Pilipinas kada taon.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top