Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?? ?? ??? ?????????? ?????? ??????????? ?? ????? ?? ???????

Nov
29,
2021
Comments Off on ?? ?? ??? ?????????? ?????? ??????????? ?? ????? ?? ???????


?? ?? ??? ?????????? ?????? ??????????? ?? ????? ?? ???????; ??????????? ?? ?? ?????? ??????? ???????? ?? ??? ?? ???
Sa unang araw ng National COVID-19 Vaccination Drive sa bayan ng Asingan ay sabay na nagpabakuna ang pitungpu’t apat taong gulang na kambal na sina Pablo at Pedro Pillia ng Barangay Domanpot.
Kabilang sila sa apat na libong target mabakunahan ng Rural Health Unit ng Asingan sa isinasagawang tatlong araw na bakunahan mula November 29 hanggang December 1 ng taong kasalukuyan.
“Dapat maka-seventy percent tayo [population] ng first dose itong tatlong araw na to, kasi nasa 63 [percent] na tayo eh kunti na lang yung percentage na hahabulin natin. Atleast kung maka-seventy [percent] above tayo bababa na yung classification ng quaratine natin baka magiging alert level one na lang. Ngayon kung alert level one malapit na tayo sa new normal, yung mga restriction mababawasan na.” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer.
Kaalinsabay nito ay humiling na rin ang RHU Asingan ng karagdagang anim na libong dose ng Pfizer sa Department of Health (DOH).
“Para ma-meet natin yung seventy (70%) and above nagrequest kami ng 6,000 na Pfizer kasi alam naman natin na yung Pfizer ang hinahanap. Pero ang priority sa Pfizer talaga kung tutuusin ay para sa mga bata, at Pfizer at Moderna lang ang pwede sa pediatric age group yung 12 to 17 years old. At kung may gagamitin natin para sa second dose sa mga adult, sabi naman ni Dr. Deo Zarate (DOH Representative) na may hawak sa bayan natin meron na daw nasa district.” pagtitiyak ni Dr. Tomas.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa dalawampu’t anim na libo pitong daan at tatlumpu’t anim (26,736) ang nakatanggap ng unang bakuna habang nasa tatlumpu’t walang porsyento (38%) o labing anim na libo tatlong daan at animnapu’t tatlo (16,363) na ang fully vaccinated.
“Sa ating mga minahal na mga kababayan dito sa ating bayan Asingan ito na yung pagkakataon, wala ng restriction open for all. Lahat ng hindi pa nababakunahan mga bata, lalong lalo na sa senior citizen ito na yung pagkakataon. May tatlong araw na tayo mula November 29, 30, at December 1, sana ma-meet natin yung percentage na ibinigay ng DOH para makabalik na tayo sa new normal.” dagdag ni Dr. Tomas.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top