??????? ?????? ?????? ???????????? ?? ???????? ?????
Nitong Miyerkules ay pormal nang pinasayaan ang bagong Multi-Purpose Hall, Child Development Center at Barangay Health Station ng Barangay Toboy.
Ang itinayong dalawang palapag na Multi-Purpose Hall ay pinondahan ni Congressman Condrado Estrella III ng ABONO Partylist ng isang milyong piso habang naglaan naman ang lokal na pamahalan ng Asingan at ang barangay ng isa’t kalahating milyong piso.
“Kung babalikan po natin yung dati po nating barangay hall eh kailangan ng palitan gawa ng tumutulo ang tubig sa bubong. At saka ito na lang po yung laging naririnig ko sa mga tao na yung daw barangay hall natin dito sa Toboy yun na lang po ata ang hindi narerepair. Kaya po ganun na lang po ang pagpupursige natin na humingi ng tulong yun po binigyan po tayo ng budget para mapagawa ito.” kuwento ni Frederick Guerrero, Barangay Chairman ng Toboy.
Malaking tulong naman ani ni Guerero para sa mga residente ang bagong health station para tumugon sa pangangailangang pangkalusugan ng barangay.
Namigay naman si 6th District Congressman Atty. Tyrone Agabas ng mga tulong medikal gaya ng ng cabinet, bed, weighing scale, tray at iba pa.
“Ito pong health station po kailangang kailangan din dahil marami pong mga ka-barangay natin na hindi makayanan yung pupunta ng bayan. Kaya po hiniling ko rin po natin dito na magkaroon dito at sabi nga po sir magkakaroon po ng doctor na my schedule dito.” dagdag ng Punong Barangay.
Isa din sa mga prayoridad na proyektong hiniling kay Mayor Carlos Lopez Jr. ni Punong Barangay Frederick Guerrero ay ang Child Development Center.
Sa huling tala ay may animnapu’t anim na estudyante ang Day Care Center na may dalawang batches.
“Ang vision natin diyan is to provide adequate and new facilities for our barangays, in order for us to provide basic services at lalong lalo na yung mabigyan mo ng inspiration yung ating mga kapwa public servants na maglingkod ng maayos.” pahayag ng alkalde.
Lubos naman ang pasasalamat ni Guerrero sa mga bagong pasilidad sa kanyang nasasakupan.
“Laki po talagang pagpapasalamat po natin kina Congresman Estrella III ng ABONO Partylist, kay Mayor, Vice Mayor Chua saka ang Sangguniang Bayan gawa ng sila po ang nag-approve para mabigyan tayo ng budget. Syempre po yung mga kasamahan po din dito dahil kung ano po yung pinag uusapan namin nagkakaisa po kami.” saad nito.
Sa susunod na taon ay magiging prayoridad ng alkalde ang pagpapagawa ng barangay hall ng Poblacion East, Poblacion West at pagpapatuloy ng Barangay Sobol at Barangay Cabalitian.
“Sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng maayos na equipment saka facility para ma-boost yung kanilang pagbibigay ng magandang serbisyo sa ating mga kababayan.” ani ni Mayor Lopez Jr.
Dumalo sa blessing, turn-over at inagurasyon ng mga bagong istruktura sa Barangay Toboy sina Congressman Atty. Tyrone Agabas, Mayor Carlos Lopez Jr., Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Mel Lopez, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Jesus Pico, Councilor Melchor Cardinez at Councilor Joselito Villanueva Viray.