Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?????? ?? ??????????? ?? ??? ?????? ?? ???????, ????????????? ??

Jan
7,
2022
Comments Off on ?????? ?? ??????????? ?? ??? ?????? ?? ???????, ????????????? ??


?????? ?? ??????????? ?? ??? ?????? ?? ???????, ????????????? ??
Dahil sa mataas na demand nagkakaubusan na ng gamot gaya ng paracetamol sa mga botika.
Inabutan naman namin naghahanap ng mabibiling paracetamol sa bayan ng Asingan, Pangasinan ang pitumpu’t isang taong gulang na si lola Violy Doronio pero bigo siyang makahanap ng mabibilhan sa pinag tanungan nilang pharmacy out of stock na raw ito.
“Wala na daw apat na pinuntahan ko na botika sampung piraso lang sana bibilhin ko para sana kung masakit ang katawan ko at may lagnat” ani ni lola Violy.
Mapa generic o branded na paracetamol hindi mo na makikita sa sampung botika na aming napagtanungan sa pamilihang bayan.
“Yung alcohol po medyo ok naman po, pero malakas po ngayon yung paracetamol sir pero wala po kaming stock ng mga branded yung generic na lang po ang availble. Yung generic po ang meron po kami pero tumawag po kami sa supplier kahapon wala na din po.” pahayag ni Dune Aubrey Casio, Pharmacist ng MGD Central Pharmacy.
Ang pagdagsa ng mga bumibili ng gamot dahil sa takot na rin na mapagkamalang may covid 19 pag nagkakaubo o sipon, lalo na ngayong sumisipa na nga ang mga kaso ng covid 19 sumabay pa ang flu season dulot ng malamig na panahon.
“Ang alam ko po base sa mga observation ko nagkaroon po ng malaking epekto noong nilabas po yung isang branch ng Mercury sa Manila na pila-pila nagkaroon na rin po ng ganung senaryo dito sa province. So since nagsimula siya sa Manila yung main na pinaggagalingan ng gamot once na nagkaroon na rin ng shortage sa Manila apektado po sa province.” saad ni Michael Million, Pharmacist at may ari ng Arrexist Pharmacy.
Pakiusap naman ni Asingan Pangasinan Mayor Carlos Lopez Jr. bumili lang ng paracetamol na naayon sa pangangailangan.
“Nakikiusap ako sa mga mamimili na yung kaya lang natin i-consume para yung talagang nangangailangan ng gamot eh sila po ang mabigyan ng gamot. Kung tayo po na nagrereserba lang eh huwag naman sana, yung wasto lang na stock ng gamot ang ating bilhin. Para naman yung talagang nangangailangan ang makabili ng gamot.” pakiusap ng alkalde

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top