????????????? ??????? ??????? ?? ??? ??????? ??????? ?? ????? ?? ??????? ??????? ?? ??????????? ?? ?????? ?? ????????; ?????? ??,??? ?? ????? ?? ??? ???? ?? ??????? ??????????? ?????? ????
Nasa isanlibo’t isandaang (1,100) mga bata mula sa daycare school ang muling nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng supplemental feeding program ng Department of Social Work and Development (DSWD) sa bayan ng Asingan.
“Ang goal po niya is ma-uplift yung nutritional status ng mga bata na mga naka enroll sa day care po, kasi mostly maraming pong mga batang stunted, marami pong underweight lalo na po ngayong pandemic.” ani ni Charmaine Manaoat, Project Development Officer 1 ng DSWD Region 1 para sa Eastern Pangasinan.
Ayon kay Manaoat, bagamat sarado ang mga paaralan dahil na rin sa pandemya ipinapatupad pa rin ang feeding program sa dalawampu’t apat na bayan mula sa ika-apat, ika-lima at ika-anim na distrito ng Pangasinan.
“Noong dati po kasi noong wala pang pandemic siyempre face to face po yan, may feeding yan sa daycare ngayon po ginawa na po natin sa dry goods. Ang nangyari po si day care worker po nire-recieve niya yung goods sa amin, ibinibigay niya house to house tapos yung parents na po yung bahalang mag organize ng feeding nung bata.” dagdag ni Manaoat.
Maalala na noong panahon ng panunungkulan ni dating Mayor at ngayon Bise Mayor Heidee Chua nakapag-patayo siya ng mga daycare center sa barangay Ariston East, Ariston West, Bobonan, Coldit, Calepaan, Domanpot, Baro, Sanchez-Cabalitian,Sobol, Carosucan Norte, at Carosucan Sur.
“Noon actually halos walang accredited na daycare centers, so yun yung isa sa mga priority program ng Chua Cares, nagfocus ako doon sa mga daycare kasi alam naman natin na yung first one thousand days ng bata yun ang pinakapondasyon niya. Layon ng Chua Cares program na mapaganda at mabigyan ng good ambiance para sa mga pupils natin.” pahayag ng Bise Alkalde.
Samantala kinumpirma ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang karagdagang isanglibong pisong dagdag na sahod kada buwan ng mga guro sa daycare center sa susunod na taon.
Napag-iiwanan na raw kasi ang mga ito kung ikukumpara sa sahod ng mga regular teachers.
“We compensate them kung ano yung talagang kailangan i-compensate sa kanila so with this year na increasan sila and for next year another increase uli. So kailangan ipantay natin sila para makahabol naman. Binibigyan natin sila ng pansin para magkaroon sila ng mas magandang inspirasyon para mai-deliver yung basic services sa pagtuturo sa ating mga CDC (Child Development Center).” saad ng alkalde