Magkakaibang indak, kanya-kanyang galaw, ito ang ipinamalas ng iba’t ibang mga grupo na sumali sa Asingan Hataw Sayaw 2022 Zumba Dance Competition bilang selebrasyon ng Municipal Tourism Month at Kick off ng World Teachers Day.
“Overwhelming yung pakiramdam and talagang we are delighted kasi sa sobrang dami ng tao kahit na medyo umulan ng konti, andito pa rin hind pa rin iniiwan yung event. Hopefully sa mga susunod pa na events eh sana andito pa rin sila na sumusuporta.”pahayag ni Michael Soliven, Municipal Tourism Officer.
Dahil sa dami ng participants, nagmistulang isang malaking zumba class ang public plaza nang humataw na sa dance floor, na karamihan ay mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Asingan.
“Na amaze ako kasi the mere fact na medyo pandemic pa rin pero they are able to perform well. Magagaling po ang mga contestant ngayon and maganda yung mga choreography, mga precision ng mga movement ng mga ginawa nila. And masaya at nagkaroon ng ganitong competition.” ani ni Crisanto Tomeldan, Master Teacher I ng Urdaneta City National Highschool at Chairman ng Board of Judges.
Nakakuha ng 93% ang Luciano Millan National High School at pumuwesto bilang 2nd -Runner Up/Best Costume, nasungkit naman ng Asingan District I ang 1st Runner up may 94.33% at tinanghal na kampeon ang Angela Valdez Ramos National Highschool na may 94.67 na grado.
“Binigay lang namin ang the best performance namin so hindi naman inaasahan na kami pala yung mapipiling maging best performer sa taon ito, thank you so much nag enjoy kami [teachers].” pahayag ni Ferdinand Oiga, Head Teacher II ng Angela ang Angela Valdez Ramos National Highschool.
Kasama din sa lumahok sa zumba competition ang mga teaching at non teaching staff mula Asingan District II, TESDA-LMMSAT, EO 189 Schools at LGU Asingan.
Kabilang naman sa board of judges sina Chebbie Deck Raymundo at Mary Khris Diaz .
Lubha namang ikinatuwa ng lahat nang mapanood sa pag-awit nina Vanjoss Bayaban, Rey Ryan Piso at Mark Allain Meriales.
Habang umindak din sa pagsayaw ang mga school heads, staff at miyembro ng Sangguniang Bayan.
Taong 2015 nang sinimulan ng dating alkalde at ngayo’y Vice Mayor Heidee Chua ang dance based workout na Zumba sa Asingan.
“Ipagpatuloy po natin ang healthy living, ang health lifestyle, ofcourse keep dancing keep moving gaya ng pag arya ng ating bayan. Andito lang po kami para sumuporta sa bawat programa ng lahat ng mga sector ng ating munisipalidad.”saad ng bise alkalde.
Sumentro naman ang naging mensahe ni Asingan Mayor Carlos Jr. sa muling pagsigla turismo sa bayan ng Asingan sa pamamagitan na rin ng aktibidad na katulad ng Asingan Hataw Sayaw Zumba Dance Competition.