Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ?? ???? ???????? ?? ?????????? ?? ??? ??????? ?? ????

Nov
25,
2021
Comments Off on ??? ?? ???? ???????? ?? ?????????? ?? ??? ??????? ?? ????


??? ?? ???? ???????? ?? ?????????? ?? ??? ??????? ?? ????

Wala talagang makakapantay sa kadakilaan ng isang asawang babae, sa pag-aaruga at pagmamahal ng isang manugang sa itinuturing na niyang sariling ina.
May ilan kasing hindi magkasundo ang mga ito lalo na pagdating sa pagaasikaso ng sariling pamilya, subalit iba sa sitwasyon ng dalawampu’t siyam na taong gulang na si Maria Fe Tambo-on mula sa Labuguen barangay Ariston East, Asingan.
Nobyembre a-dos ng taong kasalukuyan nang maaksidente ang kanyang biyenan.
“Mahirapan po siya [biyenan] sir na makatayo kasi nag-crack po yung sa balakang niya natumba kasi siya habang nasa trabaho ako, pagdating ko po dito ng alas singko nandyan na po siya nakahiga na siya.” kuwento ni Mari Fe.
Ayon kay Mari Fe bukod sa hindi makatayo ang pitumpu’t isang taong gulang na biyenang si Pilar Labuguen, isa rin itong person with disability o PWD.
Problema din nila ang gastusin sa pamilya.

“Bubuhatin po namin sa upuan eh dalawa lang po kami ng anak ko na nine years old, yun lang po kasama ko dito sa bahay magpaligo kaya mahirapan din ako tapos buntis pa ako.” ani ni Mari Fe na kasalukuyang pitong buwang buntis sa pang apat na anak.
Nagta-trabaho bilang taga bunot ng mga damo si Mari Fe habang namamasukan naman ang asawa bilang construction worker sa Maynila.
Nito lamang Martes ng umaga ay personal na pinuntahan at binisita ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang biyenan ni Mari Fe upang ibagay ang bagong wheelchair, sa pakikipagtulungan sa opisina ni General Manager Royina Garma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“Ito’y sa ating pagtugon sa mga pangangailangan ng mga PWDs, mga Senior Citizen, na kung saan may mga kakababayan tayo na walang mga wheelchair. So nakita niyo naman noong pinuntahan natin, na talagang makagaan sa kanila ng pagkakaroon ng wheelchair. So kudos doon sa pamumuno ni madam Garma, yun yung aking naoobserbahan na noong siya na diyan ang nakaupo halos lahat ng LGU nakikinabang sa programa ng PCSO.” saad ng alkalde.
Labis naman ang pasasalamat ni Mari Fe sa ibinigay na wheelchair ng lokal na pamahalaan ng Asingan at Philippine Charity Sweepstakes Office para sa biyenan.
‘”Maraming maraming salamat Mayor at PCSO kasi binigyan niyo po kami ng wheelchair para kay mama. Sana marami pa po kayong matulungan na ibang tao na katulad sa amin ni mama.” pasasalamat ni Mari Fe.
Para po sa mga gustong tumulong kay Lola Pilar Labuguen sa gastusin gaya ng gatas, vitamins at gamot, maaring makipag-ugnayan sa kaniyang pamilya sa numerong 0951-3540-131 o sa FB via https://www.facebook.com/mafe.tamboonlabugueno maaring sumadya sa kanilang bahay sa Ariston East, Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top