Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

????????? ???????????, ?????? ?? ??? ???????

Oct
3,
2022
Comments Off on ????????? ???????????, ?????? ?? ??? ???????
????????? ???????????, ?????? ?? ??? ??????? ???? ?? ??? ?????? ?? ????
Espesyal ang araw na ito para sa kabataang tinatawag na person in needs dito sa bayan ng Asingan, matapos makatanggap ng surpresang regalo.
Customized wheelchair ang iginawad sa labing apat na chikiting ng Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC).
“Ito talaga pina-customized ko, pinasukatan ko yung mga gagamit, kaya tignan niyo comfortable sila ngayon. Pinagawa yan base sa kanilang laki at bigat ng katawan.” ani Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Isa sa mga nabiyayaan ang tatlong taong gulang na anak ni Luvy Leah Manipon na si Rhexjel.
“Mahirap naman po kasing lagi po siyang buhat-buhat namin kasi mabigat na rin po siya and then pag minsan po kasi wala din po ang mga kuya katulad ng mayroon na silang pasok.” pahayag ni nanay Luvy .
Kaya naman malaking tulong daw ang wheelchair sa kanyang bunsong anak.
“Siyempre po kapag meron po siyang wheelchair maipapasyal namin siya sa labas, mas madalas po siya sa labas, mamahinga po siya hindi lang po laging nasa loob.” dagdag ni nanay Luvy.
Inaasahan naman na bago matapos ang taon ay magbibigay din ng mga bagong wheelchair ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Asingan.
“Meron pa pong kasunod ito na darating galing po sa PCSO siguro by November po yung susunod na pagbigay po natin ng ganito sa ating mga kababayan may kapansanan.”saad ni Mayor Lopez Jr.
Nakatakda sa susunod na taon na masimulan ang pagpapatayo ng bagong gusaling nakalaan para sa STAC, matapos maaprubahan sa Local Development Council.
“Mailalagay natin yung lahat ng pangangailangan nila mga equipment nila, yung napping area nila, yung mini swimming pool para sa kanilang physical recovery at yung iba pang mga may facility na pwede natin ilagay sa mas malaking space.” ayon sa alkade.
Kasama sa nag turnover ay sina Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWD) Teresa Mamalio, STAC/MSWD Staff, Councilor Ira Chua, Councilor Mel Lopez, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Virgilio Amistad, Councilor Melchor Cardinez at mga kamag anak ng benepisyaryo.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top