?????????? ???????? ?? ?? ?? ????? ?? ?????????? ?? ????????? ?????????? ????; ????? ??????? ??????? ?? ??????????? ??????? ????????, ???? ???? ??????? ?? ??????
Hindi na nagdalawang isip si nanay Krissel Yacapin ng barangay Baro, Asingan na ipa-bakuna ang kanyang pangalawang anak na si baby Abigail sa pagdalaw ng mga miyembro ng Human Resource for Health (HRH) ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng programang Chikiting Bakunation Days.
Ayon sa datos ng DOH, nasa mahigit 1 milyong mga bata na edad isang taon pababa nitong nakalipas na taon ang hindi pa nabibigyan ng regular na bakuna laban sa polio, tigdas, hepatitis B, pneumonia at iba pang vaccine preventable diseases.
“Halos lahat ng region and provinces ay mababa pa din ang non-covid vaccination rates, kaya po tayo nag la-launch ng ating chikiting bakunation days para po ma-focus yung ating mga resources doon sa araw na yun, para mabakunahan po yung hindi pa nabakunahan last year.” ani ni Dr. Joannah Boralio, Medical Officer III ng National Immunization Program ng DOH.
Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa tatlumpu’t anim (36) na mga probinsya at siyudad sa bansa na may pinakamalaking bilang ng hindi pa natuturukan ng non-covid vaccine bunsod ng pandemya.
Batay sa pagtaya ng DOH, ay nasa lima hanggang sampung libong sanggol sa mga lugar na ito ang hindi nakumpleto ng kanilang bakuna.
“Reiterate ko po yung ating fully immunized child or yung mga kumpletong bakuna na kailangan marecieve po ng sanggol so ito po yung BCG, yung ating Oral Polio Vaccine, yung ating Pentavalent Vaccine at yung ating Measles Vaccine. So ito pong apat na vaccine na po ito kailangan kumpletong makuha po ito. ” dagdag ni Dr. Boralio
Kasama rin sa mga target na mabakunahan ang mahigit kalahating milyong bata na edad labing tatlong buwan hanggang dalawang taon sa isasagawang malawakang pagbabakuna sa huling linggo ng buwan ng Mayo at Hunyo.
“We would like to take this opportunity to ramp up our vaccination efforts for routine immunization, while our national cases are declining, and our health system capacity is manageable,” ani ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.