Bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Karding ay pinulong ngayong umaga ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment at Emergency Response Preparedness at planuhin ang pagtugon sa mga posibleng epekto ng bagyo.
Nakibahagi sa isinagawang pagpupulong sina Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Dr. Jesus Cardinez, LDRRMO 1 Michael Soliven, kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP)at Public Order and Safety Group (POSG).