????????? ?? ??? ?????????? ?? ??????? ???? ?? ???-???? ?? ???-???? ?? ???????? ?????????? ?? ???? ??????? ??????????
Mahigit dalawang taon ng walang trabaho ang apaqtnapu’t apat na taong gulang si Emmanuel Dela Cruz mula Natividad, Pangasinan.
Dati siyang namamasukan bilang security guard sa isang restaurant sa Maynila hanggang sa abutan siya ng pandemya at mawalan ng trabaho.
Kaya naman agad siyang nag-apply nang malaman na may Jobs Fair na magaganap sa bayan ng Asingan.
“Inaapplyan ko po yung driver, sana sir papalarin, eh kung mayroon pa pong available siguro kung may pagkakataon pwede pong kahit anong trabaho. Marami na rin po akong na-experience na inteview sir, pero mas preferred ko yung walang age limit. Kasi para mabigyan ng pagkakataon yung mas mataas yung edad sa akin, na makapagtrabaho hanggang kaya pa po.” ani ni Dela Cruz.
Sinamantala rin ang pagkakataong ito ng magpipinsan mula barangay Macalong na sina Diosa Angelo, Mercel Antonio, Zyrene Angelo at Jaycell Ann Capuz na maaga pa lang ay pumila na.
Kabilang sila sa tatlong daan at dalawampu’t walong aplikante na sumubok makahanap ng trabaho sa inilunsad na Jobs Fair ng DOLE Eastern Pangasinan.
“Kailangan ko po kasi may dalawang baby po ako, malaking tulong po sa akin ito kasi po andun lang po ako sa bahay nag aalaga po ng mga bata gusto ko po sana tulungan din yung asawa ko.” pahayag ni Diosa Angelo.
Humigit kumulang 4.5 milyong pilipino ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng pandemya simula noong 2020.
Ganunpaman, kasabay ng pagluwag ng alert level system sa bansa marami rin ang nakabalik na ng trabaho o negosyo.
Ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 Eastern Pangasinan Field Office ay
puspusan ang mga ginagawang Jobs Fair sa iba’t ibang mga bayan sa ika-lima at ika-anim na distrito para masulosyunan ang kawalan ng trabaho.
Gaya ng Rosales (March 31); San Manuel (April 1); Natividad (April 8); Tayug (April 19); Laoac (April 22); Sison (April 29) at Urdaneta (May 1 Labor Day).
Payo ni Asingan Public Employment Service Officer Rizalina Aying, sa mga naghahanap ng trabaho makibahagi sa mga Jobs Fair gaya ng kanilang inoorganisa ngayong buwan.
“Mahirap po talaga yung walang trabaho, sana po pag may mga Jobs Fair na ganito pumunta sila. Kasi sa mga jobs fair makakapamili ka ng gusto mong kompanya. Pag aattend ka ng Jobs Fair damihan mo ang resume kahit sampu, twenty na resume para maipasa mo sa mga company na qualified ka.” saad ni Aying.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa DOLE Region 1 Eastern Pangasinan Field Office sa pagdaraos ng Job Fair sa bayan ng Asingan at maging sa mga kompanya na lumahok.
“Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo at napili niyo po ang Asingan na makakuha po ng inyong mga empleyado, kasi napakahirap po ang buhay ngayon. So we have to make iniatives para makahanap tayo ng trabaho para sa ating mga pamilya.” pahayag ng alkalde.
Nasa apatnapung mga aplikante ang Hired on The Spot (HOTS) o agad natanggap sa inaplayang trabaho habang nasa halos dalawang daan naman ang naka-schedule para sa final interview sa linggong ito.