Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?????????? ?? ???? ?? ????? ??????? ?? ????? ?? ??????? ??????????? ?? ??????? ????

May
20,
2022
Comments Off on ?????????? ?? ???? ?? ????? ??????? ?? ????? ?? ??????? ??????????? ?? ??????? ????
?????????? ?? ???? ?? ????? ??????? ?? ????? ?? ??????? ??????????? ?? ??????? ????; ???????? ??????? ?? ??????? ?????????? ??????? ???
Tiniyak ni Rolando Cabanesas, Officer-in-Charge ng Pozorrubio Terminal ng Viron Transit na tuloy na tuloy na ngayong araw Biyernes May 20 ang pagbabalik ng biyahe ng Viron Transit sa bayan ng Asingan.
Matatandaang nasa mahigit dalawang taon natigil ang pamamasada ng Viron Transit sa Asingan.
Sa ngayon ay nasa dalawang biyahe pa lamang ang naaprubahan ng Viron Transit Management, isa ay sa alas sais ng gabi (6PM) na manggagaling ng Dapitan Terminal at alas otso y medya ng umaga (8:30AM) na aalis naman dito sa Asingan.
Ayon kay Cabanesas, P360 ang halaga ng one way ticket, habang may dalawampung posyentong diskwento para sa mga Senior Citizen, PWD at estudyante.
Hindi na rin aniya kinakailangan pang magbayad ang mga biyahero sa money transfer service gaya ng GCASH dahil pwede ng bayaran pagsakay mula sa terminal.
Ang mga bus ng Viron Transit sa bayan ng Asingan ay magbaba at magsakay ng pasaheros sa gilid ng Sapigao Sports Complex tapat ng Petron Poblacion East.
Maalala nito lamang buwan ng Abril ay dumalaw ang Viron Transit Management upang magpasa ng mga hinihinging requirement kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. bagay naman na inaprubahan ng alkalde.
Ayon naman kay Councilor Mel Lopez, chairman ng Public Works, Public Utilities, and Facilities malaking bagay na maibalik na ang operasyon at biyahe ng mga provincial buses nang hindi na mahirapan ang mga mananakay na gumagastos ng hindi bababa sa lagpas isanlibong piso para sa isang biyahe.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa biyahe ng Viron Transit maaring mag text o tumawag sa numerong 0932-888-6590.
Mahigpit na ipapatupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top