?????????? ?? ???? ?? ????? ??????? ?? ????? ?? ??????? ????????? ??????? ????? ?? ?????
Selyado na ang inaasahang pagbabalik ng biyahe ng Viron Transit sa bayan ng Asingan ngayong buwan ng Abril.
Ito ang tiniyak ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa oras na makumpleto na ang mga hinihinging requirement sa management ng nasabing transportation company.
Susunod na linggo ay inaaasahan ang pagbisita ng Officer-in-Charge ng Pozorrubio Terminal ng Viron Transit na si Rolando Cabanesas sa opisina ng alkalde.
Matatandaang nasa mahigit dalawang taon natigil ang pamamasada ng Viron Transit sa Asingan.
Ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng Viron Transit Management sa kanilang Facebook page, inaasahan na sa April 8 araw ng biyernes ay muling makakabiyahe na ang kanilang grupo.
Bagay na sinegundahan naman ni Councilor Mel Lopez, chairman ng Public Works, Public Utilities, and Facilities.
Ani ni Councilor Lopez malaking bagay na maibalik na sa operasyon at biyahe ng mga provincial bus upang hindi mahirapan ang mananakay na gumagastos ng hindi bababa sa lagpas isanlibong peso para sa isang biyahe.
Sa ngayon ay tumatanggap na ang management ng Viron Transint ng reservation para sa biyaheng papapasok at palabas ng Asingan.
Maaring mag text o tumawag sa numerong 0932-888-6590
Dalhin lamang ang inyong COVID-19 VACCINE CARD, Government Id bago sumakay.
Mahigpit na ipapatupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.