Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??????????? ?? ????? ?,??? ????? ?? ???? ?? ????? ?? ??????? ????????? ??????? ???. ??

Nov
11,
2021
Comments Off on ??????????? ?? ????? ?,??? ????? ?? ???? ?? ????? ?? ??????? ????????? ??????? ???. ??
??????????? ?? ????? ?,??? ????? ?? ???? ?? ????? ?? ??????? ????????? ??????? ???. ??
Sa November 15 araw ng Lunes, sisimulan ng lokal na pamahaalan ng Asingan ang pagbabakuna para sa edad labindalawa hanggang labimpito .
Ayon sa Rural Health Unit (RHU) tinatayang nasa anim na libong kabataan ang kailangang mabakunahan kontra covid 19 sa bayan.
“Next Week mag uumpisa na tayong magbakuna sa pediatric age group, dapat samahan ng guardians nila either nanay o tatay. Kung wala naman yung magulang, kapatid na mas matanda sa kanila mga age 18 years old and above. Kung wala naman, yung basta nag aalaga sa kanya kailangan samahan siya. At saka mga batang may comorbidities ibig sabihin batang may sakit kailangan ng medical clearance ng Pediatrician.” ani ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer.
Pinapaalalahanan ang mga magulang na gustong pabakunahan ang kanilang mga anak na kinakailangang na magrehistro sa inyong BHW President o Barangay Secretary.
Magdala lamang ng dokumento na nagpapataunay sa kanyang edad gaya ng Birth Certificate, Student ID o Passport.
Ang ibibigay na bakuna para sa edad 12 hanggang 17 ay Pfizer at Moderna.
Samantala itinakda naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang November 20 , para sa mga manggagawa na hindi nakapaglalaan ng oras na magpabakuna dahil sa kanilang mga trabaho at iba pang obligasyon.
“Naglaan po tayo ng isang araw ng weekend para po doon sa may mga trabaho. So ako po’y nananawagan sa mga hindi pa po nababakunahan na hindi po makapagschedule ng Monday to Friday, ito na po yung pagkakataon po ninyo may bakuna po sa susunod na sabado.” saad ng alkalde.
Para sa mga katanungan patungkol sa COVID-19 vaccine rollout sa bayan ng Asingan at para po sa mga susunod na schedule ng bakuna ngayong buwan ng November, 2021.
Atin po itong makikita sa FB account ng RHU Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top