?????????? ?? ????? ??????? ?? ??? ?? ??? ???????? ?? ??????????, ?????? ?? ?? ??????? ??????? ?????? ??????????; ?? ???????? ?? ??????? ????????? ???? ?? ???????, ???????? ????
Nasa apatnapu’t dalawang (42) miyembro ng LGBTQIA+ community mula sa bayan ng Asingan ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Eastern Pangasinan sa ilalim ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Kabilang sila sa dalawandaan at pitumpu’t limang (275) benepisyaryo ng cash-for-work assistance mula sa iba’t-ibang barangay na nagtrabaho sa loob ng sampung araw kapalit ng P340.00 na sahod bawat araw o katumbas ng P3,400.00.
“Ang mga TUPAD beneficiaries po natin ang pangunahing trabaho po ay community clean up, disinfection and sanitation of public facilities lalo na ngayong pandemic. ” ani Jeremay Jose, TUPAD Coordinator ng DOLE Eastern Pangasinan.
Sa ilalim ng TUPAD program, nasa sampung libong (10,000) indibidwal sa nakalipas na anim na buwan ang natulungan na ng programa ng DOLE Eastern Pangasinan mula sa ika-lima at ika-anim na distrito ng Pangasinan.
Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr. malaki ang naging ambag ng LGBTQIA+ community sa bayan ng Asingan kabilang na dito ang kanilang pagsuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.
“Very active sila sa community na they are contributing there talent na maiayos yung ating kapaligiran, inaayos nila ang public plaza. Tumutulong sila sa mga programs natin sa local government, so to repay for their effort kaya sinali ko rin sila saka willing naman sila maglinis.” ani ng alkalde.
Lubos naman ang pasasalamat ni Yda Taganas ang presidente ng Gay & Lesbian Advocates & Defenders (GLAD) na may mahigit tatlong daang miyembro sa Asingan.
“Unang una nagpapasalamat kami kay Mayor Lopez kasi na-accredit na kami, na napapansin na kami. Sa kanyang maybahay na tinutulungan niya kami kung anong proyekto meron sa amin at sa kanila.” pahayag ni Taganas.