Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

?????? ???????????? ???? ?? ???? ? ???????? ??

Oct
21,
2021
Comments Off on ?????? ???????????? ???? ?? ???? ? ???????? ??


?????? ???????????? ???? ?? ???? ? ???????? ?? ????????? ?? ?? ??????????
Alas sais pa lang ng umaga ay pumila na ang limampu’t limang taon gulang na si nanay Anastacia Campos ng barangay Bantog Asingan bitbit ang kanyang anak, apo at anak ng kapitbahay na pare-parehong may edad na siyam na taong gulang.
Kabilang sila sa dalawandaan at dalawampu’t lima (225) na nagparehistro ng Step 1 at Step 2 ng Philippine Identification System (Philsys) o mas kilala bilang National ID.
“Magandang po yan kasi pang ID po yan sir, pang all around po kung anong kailangan nilang ID yun na po ang gagamitin, para sa kanila [mga bata] din po yan.” ani ni Nanay Anastacia
Umarangkada na kasi ngayong araw October 21 ang Mobile Registration ng Philippine Statistic Authority (PSA) Pangasinan para Philippine National ID para sa nasa edad lima (5) hanggang dise siyete (17) anyos, sa iba’t-ibang barangay dito sa lalawigan ng Pangasinan.
“Nagsasagawa po kami ng mobile registration para sa mga bata, kasi hindi po kasi sila pwedeng lumabas dahil di ba may limit lang po yung edad na pwedeng lumabas? kaya po kami na lang po ang pupunta sa mga barangay nila para after po maregister nila uuwi na sila.” saad ni Jessica Mariano, isa sa mga Supervisor ng PhilSys Asingan.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority noong Setyembre ay nasa 5,024,018 na PhilID cards ang nakatakdang i-deliver ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa mga registrants.
“Ichecheck po muna nila yung quality po ng kanilang mga may ID, halimbawa may kapangalan yung isang tao kaya kailangan po nila iverify ng mabuti bago nila i-print. Ang uunahin po sa ngayon na ma-print yung mga nasa low income na na-interview po noong 2020 at saka nitong first month ng 2021.” paliwanag ni Mariano tungkol sa pagkaantala ng pagdating ng National ID ng ibang nagparehistro.
Paalala naman ng PSA Pangasinan, iwasan ang magsuot ng sando o sleeveless na damit, tanggalin ang eyeglasses o contact lenses, hikaw, kwintas at iba pang uri ng facial piercing bago magtungo sa registration center.
“Kasi yun yung requirement ng system natin, hindi niya ka-capturin kung may mga make up, may earrings kaya pinapatanggal.” ani ni Engineer Edgar Norberte, Chief Statistical Specialist ng Pangasinan Provincial Statistical Office.
Ang Mobile Registration para sa Step 1 at Step 2 ng Philippine Identification System (PhilSys) Asingan ay nasa barangay Bantog at Barangay Toboy mula October 21 hanggang October 25.
Hintayin ang anunsyo sa inyong barangay para sa schedule ng pagpunta ng kanilang Mobile Registration Team at dalhin ang ORIGINAL na kopya ng PSA/NSO o LCR Birth Certificate.
Para sa iba pang impormasyon sa PhilSys at sa mga karagdagang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa m.me/PSAPhilSysOfficial, mag-email sa info@philsys.gov.ph, o tumawag sa PhilSys hotline 1388.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top