??? ??????????? ?????????? ?? ?????? ???-????? ?? ????? ?? ???????, ??????? ?? ?????? ?????? ?? ??????????? ?????
Pinangunahan ni Vice Mayor Heidee Chua ang pagsasara ng huling sesyon ng Sangguniang Bayan ngayong araw ng Lunes, June 27.
Partikular na ibinida ng Sangguniang Bayan ang mga resolution na malaki ang naging ambag sa pagtataguyod ng Asingan bilang isang progresibong bayan.
Kabilang sa mga naisagawa ang pagtugon sa panahon ng pandemya, mga resolusyon sa mga pangangailangan ng mga barangay, non-government organization, sektor ng edukasyon at iba pa.
Samantala, naging emosyonal naman ang pamamaalam ni Councilor Jesus Pico sa konseho na kanyang naging tahanan sa nakalipas na tatlong taon.
Ani ni Councilor Pico, pagtutuunan niya ang kanyang pamilya.
“Siguro ang pagkaka-abalahan ko muna eh pansamantala siguro medyo magrelax dahil sa sobrang daming ng pinagdaanan ko. Lalo na at nagkaroon ako ng krisis, krisis sabi ko dahil nagkasakit ang misis ko then eventually namatay before campaign period.” pahayag ni Councilor Pico.
Nagpasalamat naman si Councilor Mark Abella sa mga Asinganian na kanyang pinagsilbihan sa loob ng tatlong magkakasunod na termino o katumbas ng siyam na taon bilang public servant.
“Ako’y nagpapasalamat sa ating mga kababayan dahil binigyan nila ako ng tatlong termino na nagpapakita po na nagawa ko ang aking tungkulin sa ating bayan. So hinihiling ko na sana sa aking pagbabalik sana andyan pa rin sila na sumuporta sa akin kung pagpapalarin ng Panginoon.” saad ni Councilor Abella
Kapwa naman tiniyak ng dalawang konsehal na sila ay tatakbong muli sa halalan 2025.
Inaasahan ang pagbubukas ang 1st regular session ng Sangguniang Bayan sa susunod na lunes na pangungunahan pa rin ni Bise Alkalde Heidee Chua, kasama ang bagong uupong konsehal si San Vicente West Punong Barangay Councilor Julio Dayag at ang nagbabalik na si Councilor Virgilio Amistad.