Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ?????????? ?? ????????? ???????? ?? ??????? ????? ?? ???? ?? ???? ?????????? ????????

Jun
27,
2022
Comments Off on ??? ?????????? ?? ????????? ???????? ?? ??????? ????? ?? ???? ?? ???? ?????????? ????????
??? ?????????? ?? ????????? ???????? ?? ??????? ????? ?? ???? ?? ???? ?????????? ????????; ????? ????? ??, ????????? ?? ???????? ?????????? ?? ????????? ??? ? ?? ??
Matapos ang mahigit dalawang taong virtual commencement exercises dahil sa COVID-19 pandemic, balik na uli ang mga guro at estudyante ng Ariston East Elementary School sa pagsasagawa ng face to face graduation ceremony.
“Excited yung mga parents eh pati kami, kaya nga sabi ko sa kanila sana tuloy tuloy na yung ganito para hindi naman kawawa yung mga estudyante kasi module. Madami ang ayaw pumasok ang ginagawa namin, binibigay sa bahay nila yung module tapos kinukuha namin para makacomplete.” ayon kay Rolando Malong, Head Teacher III ng paaralan.
Kahit face-to-face ang commencement exercises ay nanatiling mahigpit ang paaralan sa pagpapatupad ng mga minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at paglilimita sa bilang ng mga kamag-anak ng magsisipagtapos na maaaring dumalo nang pisikal.
“Still we followed the safety and health protocol na kung saan may specific time tayo para sa graduation. Kasi nga hindi tayo pwedeng magtagal na mag i-spend ng more hours in the school, kaya may mga schedule tayo na sinusunod.” ani ni Jimmy Laroya, District Supervisor ng DEPED Asingan 1.
Una nang sinabi ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma na iaanunsiyo pa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung kailan ang opisyal na petsa ng pagpapatuloy o resumption ng face-to-face classes para sa susunod na school year.
Bagamat sa naunang inilabas na pahayag ng DEPED, ang indicative phase na opening of schools ay August 24 na.
“Mas maganda talaga yung yung face to face kasi naibibigay ng guro yung kalidad ng edukasyon. We are praying na mula ngayon paganda na ng paganda ang panahon natin, sa ganun sa next school year ay magfaface to face na tayo 100 percent.” dagdag ni Laroya
Samantala, sinabi naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr na sa kanyang pananaw ay dapat rebyuhin ang K-to-12 program dahil hindi naman umano natupad ang pangako rito gaya na lamang ng pagkakaroon ng trabaho pagkatapos ng graduation ang mga senior high school.
“Ako nga mismo nagtanong ako sa mga companies natin o yung mga employers natin. Sabi nila sa akin, Mayor siguro kung ikaw din mas gusto mo yung eksperyensado na at matured individiual na. So ibig sabihin kung ganun po yung statement ng mga nangunguha ng mga trabahador, papaano po yung mga umaasa pag sila ay nagraduate na ng grade 12? alaka nila ok na, yun pala hindi pa.” pahayag ng alkalde
Maalala nito lamang nakaraang mga araw ay inihayag ni Vice President-elect Sara Duterte na ipinarerepaso ni President-elect Bongbong Marcos Jr. ang K-12 program dahil mayroong mga panawagan na i-abolish na lamang ito.
“So I hope that the next administration will review, para pag usapan nila itong gray areas kasi napakahirap na nga ng buhay nadagdagan pa ng burden ang mga magulang.” dagdag ni Mayor Lopez.
Bukod sa Ariston East Elementary School ay nagbigay din ng mensahe ang alkalde sa mga gradweyt ng Don H. Velasco Elementary School at Sanchez-Cabalitian Elementary School.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top