Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ??????? ?? ????? ??? ???????????? ???????? ?????? ???????

Nov
6,
2021
Comments Off on ??? ??????? ?? ????? ??? ???????????? ???????? ?????? ???????
??? ??????? ?? ????? ??? ???????????? ???????? ?????? ???????
Matapos ang halos dalawang taon pagkakasara, bukas na muli sa publiko ang ilan sa mga pasyalan sa bayan ng Asingan simula ngayong araw.
Sumigla muli ang mga negosyong malapit dito pero sa limitadong kapasidad pa rin.
Alas nuebe pa lang ng umaga ay ubos na ang mga bentang pares, mami at goto ng apatnapu’t pitong taong gulang na si Rosalinda Go ng Barangay Poblacion West.
“Malaking tulong po sa amin kasi mas malaki ang income sa mapagbebentahan hindi kagaya noong pandemic, ngayon na open po mas maraming tao mas maraming kakain.” pahayag ni Go.
Maaga naman nagyaya ang anak na babae ni Jeoffrey Ventura sa Children’s Park para makapaglaro na.
“Pagdumaan kami dito lagi niya sinasabi na punta kami dito nakita po kasi namin na open tapos gusto niya pong maglaro, dito po kasi siya madalas na maglaro.” saad ni Ventura.
Bagamat nasa mas maluwag na tayo na restriction pinaalalahanan pa rin ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang mga residente na sumunod sa minimum health standard gaya ng pagsusuot ng face mask, faceshield, physical distancing at pagpapanatili sa 50 percent capacity.
Samantala sa isinagawang pagpupulong ngayong araw kasama ang dalawampu’t isang punong barangay, muling nagpaalala ang alkalde tungkol sa pagkumbinsi sa kanilang mga nasasakupan na magpabakuna na.
Isa sa nakikitang solusyon rito ni Mayor Lopez Jr. ang paglalaan ng isang araw na vaccination roll-out sa mga barangay na may konting bilang ng nabakunahan.
“As you have heard from our beloved President Rodrigo Roa Duterte that they are mandating us to fast track the roll out of the vaccine. So I am now appealing to all of you my partners in service in our beloved municipalities, lahat po tayo is mandated by the President to act on this immediately.” ayon sa alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top