Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ???-????? ?? ???????, ??????? ?? ??? ???? ?? ????????? ?? ????? ?? ??????????? ?? ??????? ???????

Nov
22,
2022
Comments Off on ??? ???-????? ?? ???????, ??????? ?? ??? ???? ?? ????????? ?? ????? ?? ??????????? ?? ??????? ???????
Dito sa Ariston-Bantog Elementary School (ABES) sa bayan ng Asingan, ang mga bata nalulunod sa mga pahina ng mga reading materials na naka-dsiplay sa pamamagitan ng isang reading exhibit.
Sa ilalim ng Project Rose tutulungan ang mga batang nahihirapan magbasa at umintindi.
“Timely po na magkaroon tayo ng mga reading programs gaya po ng project rose kasi maganda po yung intention ng project na ito. Kasi magkakaroon po sila ng pare-parehong materials para ma-resolba yung problema po namin ngayon, na talagang napakarami ng non readers po.” ani ni Dr. Rosalina Saguiped ang Public Schools District Supervisor ng Asingan II.
Sa ginawa kasing pre-oral reading test sa ikalawang distrito ay lumabas na nasa tatlumpu’t dalawang estudyante mula grade 4 to grade ang 6 ang hirap sa pagbabasa.
“Very alarming specially sa part ng kindergarden to grade 3, na supposed to be pagtapos na sila ng grade 3 dapat wala ng non-reader. Pero because of the pandemic nagkaroon ng learning gaps, kaya yun yung naging result ng mga na-encounter ng mga bata. Yung mga modules nila walang interaction ng mga teacher, ang ka-interact lang nila yung mga parents nila sa bahay na hindi naman talaga 100 percent na alam yung technique ng pagtuturo ng beginning reader.” ani ni Victora Barrora, Principal ng ABES at District II Coordinator in English.
Nakasupporta naman ang kasalukuyang School Division II Superintendent na si Dr. Lorna Bugayong sa mga layunin ng Asingan District 2 na mahikayat ang mga bata sa pagbabasa sa pamamagitan ng Projecto Rose.
Nagpaalala din si Dr. Bugayong, na mas mahalaga pa rin ang personalidad ng isang guro sa pakikipag-usap sa mga mag-aaral.
“Remember yung personality ng teacher, sapat na yun para maka-enganyo ka ng bata para magbasa. Kung masungit ka na teacher, looks mo pa lang hindi na gaganahan yung bata di ba? Pero if you show that you really care for that child, napakaganda na yan na umpisa.” dagdag ni Dr. Bugayong
Bukod sa reading shed ng Ariston-Bantog Elementary School ay makikita din gaya ng ibang paaralan tulad ng Asingan North Central School, Ariston East Elementary School, Bobonan Elementary School, Don H. Velasco Central School, Don T. Bauzon Elementary School, Palaris Elementary School, San Vicente East Elementary School, San Vicente West Integrated School at Toboy Elementary School.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top