??? ?????????, ??? ????????? ?? ????????? ?? ??? ??????? ??????????? ?? ???????? ???? ????, ?? ????????? ???????? ?? ?????? ?? ?????
Negatibo sa iligal na droga ang nasa pitumpo’t walong (78) kawani ng lokal na pamahalaan ng Asingan, PNP at BFP base sa inisyal na report ng Municipal Health Unit (MHO) matapos ang isinagawang sorpresang mandatory drug test nitong umaga Miyerkules, Enero 19.
Ito yung taonan natin na ginagawa kung saan mina-mandatory natin lahat ng personnel ng ating lokal na Pamahalaan, para maipakita na tayoý sumusuporta sa programa ng ating mahal na Pangulong Presidente Rodrigo Roa Duterte against sa illegal drugs. pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Target ng isinasagawang mandatory drug test ang nasa lagpas tatlong daang empleyado ng munisipyo.
Umpisahan natin sa ating sarili then lahat ng mga empleyado ng munisipyo, lahat ng forces ng PNP ng Asingan at Bureau of Fire pati na rin ang mga barangay officials ima-mandatory natin na magdra-drug testing sila. Para maipakita na talagang tayo ay seryoso sa pagkontra laban sa illegal na drugs. dagdag ng alkalde.
Samantala, hinihintay na lamang ng lokal na pamahalaan ng Asingan na mapasama ito sa mga idineklarang drug cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahuli noong nakaraang taon ang high-value target na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.