Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ????? ?????????? ?? ??????? ????? ?????? ???? ??

Nov
4,
2021
Comments Off on ??? ????? ?????????? ?? ??????? ????? ?????? ???? ??

??? ????? ?????????? ?? ??????? ????? ?????? ???? ??
Tatlumpu’t anim na construction worker mula sa isang pribadong kumpanya ang sabay sabay na nagpabakuna ngayong araw sa isinasagawang vaccination roll out sa bayan ng Asingan.
“Dati kasi madami po ang tumatanggi ngayon po kusang loob na ang desisyon na magpabakuna po. Noong una parang ayaw namin talaga kasi yung mga fake news, na kahit papaaano kakabahan ka rin. Kaya lang eh kasi tulad ko lumalayo ako ng trabaho di ba halos lahat ito ang hinahanap kapag dumaan ka sa isang checkpoint.” ani ni Uldarico Singgit, foreman ng kumpanya.
Kabilang sila sa dalawampu’t limang libo dalawampu’t dalawang (25,022) nabakunahan ng Sinovac, Astrazeneca, Janssen, Pfizer at Moderna , ayon sa huling datos ng RHU Asingan.
Habang nasa pitong libo siyam na raan at limangpu’t walo (7,958) na ang fully vaccinated dito o nasa labing siyam na porsyento (19%) na ang nabakunahan, mas mataas ng doble mula sa walong posyento (8%) noong Setyembre.

Ngunit malayo pa ito sa target ng lokal na pamahalaan na 40,000 na residente na mabakunahan upang makamit ang herd immunity.
Kaya muling nagpaalala si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa mga opisyales ng barangay na hikayatin ang mga kababayan na magpabakuna na.
“Ako’ý nanawagan sa lahat ng barangay natin ating mga Punong Barangay, Barangay Kagawads, BHWs sikapin po natin na makumbinsi ang ating mga kababayan. Para tangkilikin ang programa ng ating gobyerno laban sa Covid 19 na ating kinakaharap ngayon.” paalala ng alkalde.
Dagdag nito, nakatakdang magsagawa ng isang araw na bakunahan para mga manggagawa sa araw ng Sabado o Linggo.
“Sakripisyo po ito ng munisipyo para po yung mga nasa private sector, government sector na hindi maka absent bibigyan po namin kayo ng isang araw na para sa inyo lang po yun na magpabakuna. Yun pong hindi po makapag absent sa kanilang mga trabaho iischedule na po natin next week ng weekend para po silaý makapunta at para makapagpabakuna.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top