Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ????????? ?? ??? ??????? ?????????? ?? ???? ???? ?? ???

Feb
21,
2022
Comments Off on ??? ????????? ?? ??? ??????? ?????????? ?? ???? ???? ?? ???
??? ????????? ?? ??? ??????? ?????????? ?? ???? ???? ?? ???
Isang surprise drug test ang isinagawa sa empleydo ng Pangasinan State University (PSU) sa Asingan, Pangasinan kaninang umaga.
Alinsunod na rin ito sa kahilingan ni Dr. Armando Junio, Campus Executive Director ng nasabing paaralan.
“Because we would like to show na sa PSU wala pong “adik” and also we would like to prove na we are supporting the National drive for a drug free Philippines. Noong nabanggit po ni Mayor [Lopez Jr.] we voluntarily requested na please come to PSU Asingan para we subject our entire faculty and staff for drug testing.” ani ni Dr. Junio.
Ayon pa kay Dr. Junio, ang drug testing ay naglalayong matiyak na ang lahat ng mga nagta-trabaho sa PSU Asingan ay drug-free.
“Just in case, hindi naman sa hinihingi may mag-positive, basis for decision making and action by the administration. First time po na ang isang Local Government Unit ay nag express ng ganitong klaseng serbisyo para sa isang institusyon and we appreciate that very much.” dagdag ni Dr. Junio
Lubos naman ang pasasalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa suportang ibinigay ng PSU Asingan sa pagsasagawa ng drug test sa kanilang nasasakupan.
“Ako ay nagpapasalamat sa pamunuan ng PSU Asingan sa pamamagitan ni Director Junio na kung saan nakiisa sila sa ating adhikain na tayong mga nanunungkulan ay maging ehemplo o modelo sa pagiging drug free na individual.
Nasa animnapu’t isang kawani ng PSU-Asingan ang sumailalim sa drug testing na pawang negatibo ang resulta sa pinagbabawal na gamot.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top