??? ?????? ???? ?-?? ?? ???????, ????????? ???? ????????? ??????? ??????; ????? ?,??? ?? ????, ?????? ??????????? ?????? ?????-??
Hindi na nagdalawang isip si Karen Castro na mapabakunahan ang kanyang labing isang taon gulang na anak na babae na si Hermione Castro sa Eastern Pangasinan District Hospital nito lamang nakaraang buwan.
“February 15 nalaman po namin na mayroon na po pala sa EPDH sa Tayug, so noong hapon na yun noong nalaman ko tinanong ko to [Hermione] sabi ko gusto mo na bang magpa-vaccine? So sabi niya sa akin opo so the following day yun na po ang decide na po kami na pumunta siya sa EPDH, para mapabakunahan na po siya ng first dose.” ani ni Castro.
Ayon kay Karen, gusto kasi niyang makatiyak na may proteksyon ang kanyang anak lalo’t maraming nakakahalubilo sa labas ang bata.
“Kasi po syempre sa amin fully vaccinated kami sa bahay itong bata naglalaro outside, so mas madali po silang kapitan ng sakit ngayon. Para po advantage na rin po yun sakali mang magkaroon kami ng face to face. And lalo na pag nag-tratravel po kami, so siya na lang po kasi ang hindi vaccinated sa bahay.” dagdag ni Castro.
Hinikayat naman ni Castro ang iba pang mga magulang na pabakunahan na ang mga anak dahil ito ay ligtas at epektibo.
“Yung mga magulang po na may anak na nasa 5 to 11 years old sana po huwag po silang matakot na magpabakuna specially sa mga bata. Hindi naman po gagawin yung vaccine na yun kung alam po natin na ikasasama ng mga bata. Sana kung ano man po yung naririnig po nila o nababasa po nila through social media huwag na po muna silang maniniwala kasi hindi naman po lahat ng nasa social media kasi kailangan paniwalaan.” paghihikayat ni Castro
Ayon sa Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines nasa apatnaraang libong bata na ang tinamaan ng Covid 19 sa bansa.
Humigit kumulang dalawang libo rito ay na-ospital kaya panawagan nila pabakunahan kontra covid ang mga kwalipikadong mga anak.
“16 percent doon sa mga 2,000 na yun eh nagkaroon ng kritikal o severe na condition dahil sa Covid, pwede nating maiwasan na lumala ang sakit na Covid para hindi maospital itong mga bata sa pamamagitan ng bakuna.” saad ni Dr. Mary Ann Bunyi, Presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.
Sa araw ng Martes March 8 ay nakatakdang simulan ang pagbabakuna para sa mga kabataang nasa edad lima hanggang labing isa sa bayan ng Asingan.
Nasa anim na libo pitong daan walumpo’t anim na (6,786) na Resbakuna Kids ang target mabakunahan ayon kay ni Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas.