??? ????? ?? ???? ?? ??? ???????? ?? ?????????? ?????? ?? ?? ??????? ??,???
Malinaw pa sa memorya ng pitumpu’t anim na taong gulang na dating barangay chairman ng San Bonifacio, San Manuel na si Alfredo Domalina Sr. nung araw na himala siyang nakaligtas sa kamatayan ng sila ay paputukan ng mga hindi nakikilalang salarin sa nasabi ring bayan.
“May death threat ako noon eh, tinambangan ako noong kapitan ako ininterview pa ako sa Lingayen noon tungkol sa nangyari kaya nagpasya ako na kumuha at magpalisensya ako ng baril.” salaysay ni Tatay Domalina Sr.
Kabilang si Tatay Domalina Sr. sa mga matiyagang pumila para makakuha ng renewal ng lisensya ng baril sa pamamagitan ng one-stop-shop registration caravan kung saan mapapadali na ang application at renewal ng License To Own and Possess Firearms o LTOPF ng Philippine National Police sa bayang Asingan ngayong araw.
“Hindi po kami tumigil sa pag conduct ng caravan despite the pandemic, kasi gusto din po namin mabawasan yung burden ng mga firearms holder. Sa pagbiyahe knowing na may mga travel restrictions tayo lalo na ngayon MECQ po ang La Union, so hindi po basta basta yung pagpasok sa La Union. So kaya po kami ang lumalapit para mas mapadali po ang pagprocess nila.”pahayag ni Police Lt. Col. Regina Abanales, Assistant Chief ng Regional Civil Security Unit 1.
Sa huling datos na ibinigay ng Regional Civil Security Unit 1 (RCSU1) ay umabot na sa 25,633 na mga baril mula sa lalawigan ng Pangasinan ang paso na ang lisensya.
“Pag hindi po nila naregister from 2013 pababa po maooplan katok po sila, kung hindi po sila nagrenew pwede din po silang applyan ng search warrant, pag hindi po sila magrerenew or pag masyadong matagal maaring marevoke yung kanilang license.” dagdag ni Abanales.
Ang lisensya ay valid sa loob ng dalawang taon habang ang rehistro ng baril ay valid para sa apat na taon.
Kailangang makakuha nito ang isang gun holder na may expired license, mag papa-transfer ng gun ownership o yaong mga nagnanais bumili ng baril.
“Actually regularly nagco-conduct pa rin tayo ng oplan katok kasi project po yan ng ating PNP and we are reminding them na kapag expired na or malapit na mag expire, pag may nabalitaan sila saan mag bayan pwede nilang irenew sa caravan na yun.” pahayag ni Police Major Resty Ventenilla, Chief of Police ng Asingan PNP.
Ang LTOPF Caravan sa bayan ng Asingan ay bukas hanggang October 8, 2021, mula 8AM hanggang 5PM sa Narciso R. Ramos Elementary School.