??????? ????? ?????? ????? ??. ?? ??? ?????? ?? ????????? ???????? ??????????, ?????????? ???????????? ??? ??? ????????? ?? ????????
Kasabay ng dagsa ng mga mamimili ay surpresa namang nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Carlos Lopez Jr. at ang mga tauhan ng Municipal Economic Enterprise sa pamilihang bayan ng Asingan.
Layun nito na masigurong maayos ang timbangan ng mga nagbebenta sa meat at vegetable section.
“At nakita ko naman po na halos karamihan po sa kanila ay maayos ang kanilang timbangan.” ani ng alkalde.
Aprub naman para sa pitumpu’t walong taong gulang na si lola Juanita Tanalania ang ginawang inspeksyon, aminado siya na minsang na rin naging biktima ng may dayang timbangan.
“Pinagalitan ko yung nagtitinda ho, bumili ako galungong na dalawang kilo buti ta’ may lalaki na lumapit sa akin. Itinimbang yung binili ko kulang ng tatlong piraso yung isa [kilo], nagbayad ako ng husto di dapat ibigay din ng husto yung kilo?” pahayag ni lola Juanita.
Ayon kay Market Supervisor Alejandro Torio ay nasa halos isandaang piraso ng weighting scale ang ininspeksyon at tama naman ang timbang.
“Halos monthly kami nagche-check up ng timbangan dito sa loob ng palengke, kung may depekto naman kinukumpiska namin, pinapa recalibrate pinapaayos. Kung hindi talaga pwede talagang confiscated na, sisirain na” pahayag ni Torio.
Pabor naman sa labing limang taon ng tindera ng mga isda na si nanay Julieta Ancheta ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang masigurong tama at walang daya sa mga binibili.
“Maganda yan sir hindi sila malulugi yung mga bumibili para hindi sila agrabyado, pag tama ang timbangan.” saad ni nanay Julieta.
Sa ngayon ay may dalawang timbangan ng bayan na makikita sa loob ng palengke, isa dito matatagpuan sa wet section at ang isa naman ay nasa makikita sa entrance ng pamilihang bayan.