??? ???????, ???????? ??? ?????????? ???? ?? ??? ?????????? ??????????? ?????? ????? ?? ?????? ?????
Sa mas pinaigting na vaccination roll out kontra Covid 19 sa bayan ng Asingan, maglalaan ang Municipal Rural Health Unit nito ng isanlibong (1,000) doses ng bakuna kada araw.
Ito na raw ang pinakamalaking bilang na dapat mababakunahan sa loob ng isang araw mula ng magsimula ang vaccination roll out nitong Marso.
“Bukas meron kaming 1,000 [bakuna] pero dapat ang recommendation ko lang huwag mamimili pero may Pfizer, may Moderna at Sinovac. Basta adult from 18 years old hanggang pataas pwede ng bakunahan.” ani ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer.
Kabilang na rito ang labing anim na libong (16,000) doses ng Pfizer mula sa Department of Health.
“Kagabi nga yung sinabi ni Pangulong Duterte na ang dami ng dumating na bakuna, kaya tinatawagan niya ng pansin ang mga punong barangay na mag effort para mapataas yung vaccine rate lalong lalo na sa mga LGU na mababa pa ang nabakunahan. Kaya nagrequest ako na kung pupuwede damihan nila ang Pfizer kasi hirap na tayong mangumbinsi kung Sinovac lang ang vinavaccine natin.” pahayag Naman ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Sa huling datos ng RHU Asingan ay umabot na sa dalawampu’t isang libo walong daan at siyam (21,809) ang nabakunahan ng Sinovac, Astrazeneca,Janssen, Pfizer at Moderna.
Habang nasa anim na libo apat na raan at labing apat (6,414) na ang fully vaccinated dito.
Samantala, nasa tatlumpo (30) na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Asingan.
Magsisimula ang bakunahan bukas ng alas siete ng umaga (7AM) hanggang alas tres ng hapon (3PM) habang ang cut-off ng registration ay hanggang alas dose (12NN) ng tanghali. Paalala ng Rural Health Unit Asingan ito ay first come, first serve basis.
“Nakikiusap po ako sa lahat ng nanunungkulan sama sama po tayo para kumbinsihin yung ating mga kababayan na magpabakuna po para meron po silang protection.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Para sa mga katanungan patungkol sa COVID-19 vaccine rollout sa bayan ng Asingan at para po sa mga susunod na schedule ng bakuna ngayong buwan ng October, 2021.
Atin po itong makikita sa FB account ng RHU Asingan.
https://www.facebook.com/asingan.rhu