??????? ?,??? ?????????? ?? ????? ?? ??????? ???????? ?? ?????? ????????? ?? ?????????? “????” ?? ????; ???????? ?? ?????????? ?? ??????? ???? ?? ?? ???????? ???? ????????? ?? ??????? ?
Umabot sa 3,164 na benepisyaryo mula sa Bayan ng Asingan ang nabigyan ng tulong pinansyal ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong na rin Senador Christopher Lawrence “Bong Go”.
“Programa po ito ng DSWD gaya po ng sabi ng mga host po natin ito ay ibinabalik lang ni Presidente [Duterte] at ni Senador Bong Go sa ating mga mamamayan lalo na ngayong panahon ng crisis at makatulong na kahit papaano maitawid yung hirap na nararanasan ngayong pandemya.” sabi ni National Daily Authority Director Ralph Du.
Tig tatlong libong piso ang natanggap ng mga napiling benepisyaryo mula sa Persons with Disabilities, With Co morbidities, Solo Parents, Tricycle Operators and Drivers’ Association, Registered Sari Sari Stores Owner at Registered Market Vendors.
Sa kabilang dako, binanggit ni Director Du hintayin na lamang sa filing ng certificate of candidacy tungkol sa plano para elesyon 2022 ni Senador Go.
“Magkasama kami ni Senador Bong Go last Saturday yan din ang tanong namin sa kanya, actually ang sagot niya ay napakasimple lang antayin na lang natin yung October 8 kung sino talaga ang tatakbo o lalaban [Presidente] ganun lang kasimple ang sagot sa amin so hindi rin namin masasagot categorically kung sino talaga ang lalaban mag antay na lang tayo hanggang October 8 kung sino talaga ang magfifile.” paliwanag ni Du.
Lubos naman ang pasasalamat nina Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua kay Pangulong Duterte at Sen. Bong Go sa financial assistance na ibinigay sa bayan ng Asingan.
“Alaek atoy nga gundaway nga agpasalamat iti tatay ng buong bansang Pilipinas, Pangulong Rodrigo Roa Duterte and of course ang kuya ng lahat naglaka apo nga asikgan napadasan kon apo nga inasikgan ni apo Senador Bong Go idi ada apo ti kasapulan tayo nga maipa-opera nga kailyan tayo nga taga Carosucan Sur ken taga Cabalitian kadwak apo ni apo Vice Mayor Heidee ken kasta met kenni Congressman Tyrone Agabas napaoperahan tayo apo idiay [Philippine]Heart Center.”
pahayag ng alkalde.
“Masuwerte po kayo at kayo ang napili pasalamat po uli natin ang ating Presidente na nagpaabot ng ayuda sa inyo pong lahat at sana itong ayuda na ito igatang yu data idtoy Asingan ti bagas, grocery items amin nga kasapulan yu.” saad ni Vice Mayor Chua.
Dumalo din sa nasabing okasyon si dating 6th District Congresswoman Marly Primicias-Agabas.
“Ako po ang nakipag communicate sa office nila [Sen. Bong Go] and then nag usap si Congressman [Tyrone Agabas] kasama si Director Ralph Du at pinag-usapan kung anong mga magandang dapat gawin.
Sumulat at tinawagan ang mga Mayors para gumawa ng sulat para kay Senador Go at sa ating Presidente tapos doon na nagproceed.” ani ng dating kongresista.
Nakiisa din sa pagtitipon sina Councilor Ira Chua, Councilor Mel Lopez at Councilor Jesus Pico.
Sa kabuoan ay nasa lagpas 30,000 na individwal na ang natulungan ng programang AICS sa lalawigan ng Pangasinan.
Namahagi din ang opisina ni Senador Bong Go ng libreng Facemask, Face Shield, Vitamins, bisikleta, computer tablets, at mga sapatos.
Romel Aguilar / Photo JC Aying