??????? ??,??? ??????? ?? ????????? ?? ??????, ???? ?? ??? ???? ?? ???? ?; ???? ???????? ???????? ????. ????? ??????? ?? ??? ???????? ?? ?????? ?? ???????? ????????????? ??? ??? ????????? ???? ?? ??????? ????????
Nagtratabaho noon si Jerome John Corpuz bilang isang waiter sa isang hotel sa Dubai pero nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Kaya naman nang ianunsyo ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 (DOLE RO1) na magkakaroon ng Labor Day Job and Business Fair ngayong araw sa Magic Mall, Urdaneta City ay agad itong nagtungo bitbit ang dalawampung resume nito.
“Nagbabasakaling makahanap ng work abroad kasi, since 2020 umuwi ako galing Dubai U.A.E. Nagsara kasi yung hotel namin kaya pinauwi kami, so ngayon hopefully mapili..makahanap.” ani ni Corpuz
Nasa 18,449 job vacancies ang inalok ng ahensya na pwedeng pagpilian ng mga jobseekers, 17,148 ay mula sa local jobs at 1,351 sa ibang bansa.
Kasabay nitong idinaos ang jobs fair sa Farmers Civic Center sa Tagudin, Ilocos Sur at Robinsons Mall sa San Nicolas, Ilocos Norte.
“Yes natutuwa tayo ngayon kasi ang dami pong employers na nag-participate around 100, ang vacancies din are 18,000. And then so far noong days ago more than 500 na po ang mga job seekers na nagregister. Kasi di ba after more than two years ngayon lang lang po tayo nag face to face na Jobs Fair, so nakakatuwa na nandito tayong lahat salamat naman.” ani DOLE RO1 Regional Director and Regional Tripartite Wage and Productivity Board Region 1 (RTWPB1) Chair Atty. Evelyn Ramos
Kabilang sa mga in demand ngayon na trabaho sa rehiyon uno ay mula sa Manufacturing Sector; Business Process Outsourcing (BPO); Retail Sector; Construction Sector; Accounting, Office Work at Administrative Work.
Umapela naman si Atty. Ramos sa mga nakikibahaging kumpanya bigyang konsiderasyon ang mga aplikante sa kanilang hiring process .
“I dont think it would be difficult for the job seekers kasi hindi masyadong technical or specialized ang vacancies naman. Sabi ko nga sa mga interviewers na huwag pahirapan for as long as andun yung character, the values, and the willingness, the technical aspect of the job good be learn later on.” apela ni Atty. Ramos
Umabot sa isanlibo at siyamnapu’t isang aplikante (1,091) ang kabuuang bilang ng mga job seekers na lumahok, habang 225 naman na ang hired on-the-spot .
Nagkaroon din ng one-stop-shop government service para makumpleto ng mga aplikante ang kanilang requirements. Gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp (Philhealth), PAG-IBIG Fund, at Occupational Safety and Health Center.
Lumahok ang Philippine Red Cross upang magbigay din ng serbisyong pang medikal sa mga job seekers.