Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??????? ?????? ???? ?? ??????? ?????? ?????? ?? ???????? ????, ??????????? ?? ?? ??? ?????????? ?? ????????? ??????? ??????? ?? ??? ????

Oct
16,
2022
Comments Off on ??????? ?????? ???? ?? ??????? ?????? ?????? ?? ???????? ????, ??????????? ?? ?? ??? ?????????? ?? ????????? ??????? ??????? ?? ??? ????
??????? ?????? ???? ?? ??????? ?????? ?????? ?? ???????? ????, ??????????? ?? ?? ??? ?????????? ?? ????????? ??????? ??????? ?? ??? ????
Hindi madali ang maging isang ina, eh paano pa kaya kung ikaw ay mag isa na nagtataguyod sa pamilya o solo parent?
Gaya na lamang ni Evangeline Bugtong na mag-isa iniaasa ang pangtustos para sa pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya sa maliit na kita ng kanyang sari sari store.
Nito lamang 2020 lalo pang naging malaking hamon sa tulad niyang single mom ang pamumuhay nang ang tindahan na pinanggalingan ng kakarampot na kita niya ay lalo pang pinadapa ng pandemya kaya’t nagsara.
“Wala pong masyadong bumibili, hirap nga po ng buhay eh kunti lang po yung bumibili sinara ko po.
Nasa-sideline ako bilang labandera tapos pag uwi ko bubuksan ko na naman, kesa naman po nakabukas maghapon at limang piso lang naman ang benta mo eh hindi po kaya.” ani ni nanay Evangeline.
Kaya laking tuwa niya na kabilang siya sa limangpung mapalad na naging partner ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (DTI-PPG) Program.
“Masayang masaya po ako sir, nagpapasalamat po ako ng marami dahil isa po ako sa napili na mabigyan ng pagkakataon na ganito po. At saka po sa Panginoon din po dahil kung hindi po siya gumawa ng instrumento para mapili ako, hindi ko po maachieve ito kaya maraming maramig salamat po sa LGU Asingan, DTI Pangasinan at saka sa taas po.” dagdag ni nanay Evangeline.
Sa huling datos ng DTI, ay may kabuoang 1,437 partners mula sa dalawampu’t limang bayan ng Pangasinan ang natulungan na ng ahensya na naapektuhan ng Covid 19 Pandemic na sinimulan pa noong April 2020.
“Itong Pangkabuhayan Sa Pagbangon at Ginhawa ay isang programa po ng DTI na ang layon ay matulungan yung ng mga malillit na negosyo na naapektuhan ng kalamidad gaya ng lindol, bagyo, baha, naapektuhan ng mga kaguluhan kabilang na ang COVID-19 Pandemic.” pahayag ni Provincial Director Natalia Dalaten ng DTI Pangasinan.
Sa ngayon ay abala din ang ahensya sa pagtulong sa mga Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya gaya ng sa labelling at packaging ng kanilang mga produkto.
Nakiisa at sumuporta sa nasabing aktibidad sina dating 6th District Congressman at kasalukuyang Mayor ng bayan ng Tayug na si Atty. Tyrone Agabas, Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., Municipal Senior Administrative Assistant V Porferio Tendero at Municipal Senior Administrative Assistant III Mark Abella.
See Translation

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top