??????? ???????? ?????? ???????, ????????? ????? ?? ????? ?? ???????
Muling hinikayat ng Municipal Health Office ang mga residente sa bayan ng Asingan lalo na ang hindi pa nababakunahan na samantalahin ang pagkakataon upang makapagpaturok, dahil magkakaroon ng mahigit dalawang libong vials ng Janssen bukas araw ng Martes.
“Iniimbitahan ko ang mga kababayan na bukas mayroon tayong dalawang venue dito sa Sports Complex at saka doon sa Ariston-Bantog Elementary School. Ngayon may idadagdag kaming bakuna yung Janssen, yung Janssen alam naman natin na yung Johnson and Johnson isang beses lang ang bakuna.” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer ng Asingan.
Ayon kay Dr. Tomas na prayoridad na mabigyan ng booster shots ang mga health frontliners, mga senior citizen at may comorbidities na atleast ay may interval na six months.
Maari ang homologous o yung parehong brand ng bakuna sa unang dalawang dose ang ibibigay o yung Heterologous na ang ibig namang sabihin ay ibang brand ng booster sa naunang bakunang tinanggap.
“Kung Sinovac ka yung primary na bakuna mo, pwede ka sa Pfizer, Astrazeneca, Moderna. Pero kung halimbawa yung Pfizer, Moderna at saka Astrazeneca hindi ka pwede sa Sinovac.” dagdag ni Dr. Tomas.
Base sa datus ng Municipal Health Unit ng Asingan ay umabot sa kabuoang apatna libo dalawang daan at walumpu’t walo (4,288) ang naunang naturukan ng Janssen sa bayan.