??? ???????? ??? ?? ????????? ???? ???????, ???????? ?? ??????????? ?? ??????? ?????? ?? ????
Hindi makapaniwala ang mag-biyenan na si Erwin Dagu at Josefina Marzan na sa pagpasok ng bagong taon ay mapapabilang sila sa mabibigyan ng kalabaw.
“Tuwang-tuwa po kasi ito yung unang pagkakataon na magkakaroon kami ng sariling alagang kalabaw, kasi nakiki-alaga lang po kami dati kaya salamat po” ani Dagu.
Ayon kay Mark Vince Brilliantes, Project Development Officer ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ito ay bahagi ng livelihood assistance para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang magkaroon sila ng pagkakakitaan o kabuhayan lalo na ngayong pandemya.
“So nag award po tayo ng dairy buffalo sa dalawang beneficiaries sa barangay Toboy and Dupac po bale apat na beneficiaries dalawang dairy buffalo, kasi yung isang dairy buffalo dalawang beneficiaries ang maghahandle.” pahayag ni Brilliantes.
Kabilang ang magbiyenang Dagun at Marzan sa labing tatlo benepisyaryo (13) na nakatanggap ng kalabaw mula sa nabanggit na Departamento sa pakikipagtulungan sa Philippine Carabao Center.
“Dahil po 4Ps po sila priority po natin sila, ang isang kailangan na i-possess nila eh yung willingness at interesado na mag alaga ng buffalo. Kasi alam naman natin hindi sila forever sa Pantawid, para atleast pag wala na sila Pantawid Pamilya Program meron silang pagkukunan ng income po nila.” dagdag ni Brilliantes.
Dagdag pa ni Brilliantes, una nang nakapagbigay ang DSWD sa barangay Bobonan, Macalong, Sobol at Calepaan.
Ang bawat kalabaw ay may halagang apatnapung libong piso (P40,000).
Nagpaalala naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na huwag sayangin ang ganitong mga pagkakataon dahil minsan minsan lang ito dumadating sa mga katulad nilang 4Ps.
“Sana alagaan nila ito at gawin nila yung wasto para balang araw magiging livelihood ng kanilang pamilya. Kasi nakita naman natin yung impact yung naging karanasan ng Samahang Nayon, na kung saan naging matagumpay at nasusuportahan na nila ang pamilya nila dahil lang sa gatas ng kalabaw.” mensahe ng alkade.