Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???? ?????????, ???????????? ????? ?? ??????????? ?? ?????? ???? ?? ??????

Apr
12,
2022
Comments Off on ???? ?????????, ???????????? ????? ?? ??????????? ?? ?????? ???? ?? ??????
???? ?????????, ???????????? ????? ?? ??????????? ?? ?????? ???? ?? ??????
Ngayong summer at Semana Santa, dagsa ang maraming byahero at sasakyan sa mga lansangan lalo na at nasa alert level 1 ang lalawigan ng Pangasinan.
Kapansin-pansin rin ang unti-unting pagtaas ng mga aksidenteng naitatala sa kakalsadahan, kaya naman nagbigay ng paalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga kababayan na unahin ang pagtulong kung malapit sa aksidente kesa sa pagkuha ng video ng pangyayari.
“Una na mali na ginagawa nila na hindi naman dapat – yung live streaming nila, naka live streaming kaagad yung VA (vehicular accident) na nangyari o mga aksidente na nangyari, na hindi naman kaagad tumatawag muna ng EMS o ng mga Emergency Medical Services provider. Mas mauuna pa yung mga marites nila kesa doon sa pagtulong.” pahayag ni Argie Gatoc, Training & Emergency Medical Services ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ani ni Gatoc, maraming paraan ang isang indibidwal na pwedeng itulong sakaling may nakitang aksidente sa kanyang harapan.
“Mas mainam na i-observe niya yung scenario o yung situation. Tapos ano yung involve na sasakyan, ilan yung tao, tapos saka niya ibato doon sa mga emergency provider natin. Para kahit wala siyang ginawang paghawak/contact doon sa pasyente, natulungan niya yung mga parating na EMS o ng mga Emergency Medical Services. Na alam na nila agad-agad kung ano yung dadatnan nila doon sa scene, para kahit on the way na sila nakakapagplano na sila ng maayos.” dagdag ni Gatoc.
Ipinaliwanag niya ang bagay na ito sabay sa isinasagawang basic life support and first aid training ng PDDRMO sa bayan ng Asingan.
Ang 3-day basic life support and first aid training ay inisyatibo ni Local Disaster Risk Reduction Management Officer (LDRRMO) Dr. Jesus Cardinez na may layuning maturuan ang mga dumalo ng paraan ng paglapat ng paunang lunas kapag may aksidente.
“Multi-sectoral approach ang ginawa po ng office of the Municipal Risk Reduction para sa ganun lahat ng sector ng ating bayan ay mabigyan ng tamang training pagdating sa first aid at saka basic life support. Kaya ginawa namin ito na lahat ng sektor ay may participants kasi maa-apply natin ito pagdating ng panahon, may mga mae-encounter din tayo na ganitong mga pagkakataon. Sagip buhay ang training na ito so kailangan pagtuunan natin ng pansin ito.” mensahe ni Dr. Cardinez sa nasabing okasyon.
Kabilang sa mga partisipante ang PNP, BFP, mga barangay kagawad, CVO at BHWs ng Barangay Macalong, Barangay Ariston West, Calepaan, Sobol, Coldit, San Vicente East, San Vicente West, Barangay Ariston East, Day care teachers, RHU Personnel, Guardian, Gloc 9 , POSG.
Sa mga nakibahagi sa aktibidad, 71 sa sumailalim sa basic life support and first aid training at labing lima naman sa extrication equipment training.
Dumalo din sa naturang aktibidad si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. upang personal na magpasalamat sa mga miyembro ng PDRRMO at LDRRMO chief Dr. Cardinez.
Ipinabatid din ng alkalde na malaki ang gampanin ng mga opisyal ng barangay sa pagresponde ng laban sa iba’t ibang sakuna.
Tiniyak din ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa kanyang talumpati na makumpleto ang mga kagamitan para sa rescue at disaster response operation sa kanyang termino.
“Siguraduhin ko po habang ako po ang Mayor na kukumpletuhin po natin ang gamit po sa ating pag respond. Dahil wala pong kwenta na nagco-conduct tayo ng seminar kung wala din naman tayong gamit. Kung wala tayong life saving equipment, useless po na nagco-conduct tayo ng ganito.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top