??????? ?????????? ?????? ???????? ???? ?? ???, ??? ?? ???, ???? ?? ???? ?? ???. ??????? ?????-??????? ??????? ?? ???????
Binuksan nitong Marso sa publiko ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang libreng paggamit ng internet at mga computer sa ilalim ng programang Tech4ED o Technology for Education to gain Employment, Train Entrepreneurs towards Economic Development.
Isa sa mga layunin ng Tech4Ed centers ng gobyerno ay tugunan ang kakulangan sa digital access at literacy ng mga kababayan na walang kakayahang makabili ng laptop, desktop at internet.
Sa pamamagitan nito ay libreng makakapag-access sa government website o online portal sa tulong na rin ng mga empleyado ng Senator Letecia Ramos-Shanani Library.
Sa tulong nito ay hassle-free na maasikaso ng isang individual ang kanyang transaksyon tulad na lang ng pagkuha ng Birth Certificate, CENOMAR, Marriage Certificate, Death Certificate sa Philippine Statistics Authority (PSA); Initial Registration o Renewal sa Professional Regulation Commission (PRC); New at Renewal sa National Bureau of Investigation (NBI); New Member ng Pag-IBIG Fund at maging ang QR Code Printing ng VAxCertPH.
Bukas din maging sa mga estudyante, out of school youth, person with disabilities or senior citizens ang pasilidad ng Tech4Ed Center.
Ang Senator Letecia Ramos-Shanani Library ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.