Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

??? ??????? ???????? ?? ??????? ?????????? ???? ?? ????????? ?? ?? ?? ???????

May
20,
2022
Comments Off on ??? ??????? ???????? ?? ??????? ?????????? ???? ?? ????????? ?? ?? ?? ???????
??? ??????? ???????? ?? ??????? ?????????? ???? ?? ????????? ?? ?? ?? ???????
Sa pagtataya ng Department of Health o DOH nito lamang 2020, nasa sampung milyong pamilyang pilipino ang walang maayos na palikuran, kabilang na rito ang pamilya ng tatlumpu’t limang taong gulang na si Herbert Bautista, may asawa at may apat na anak.
Kuwento ni Bautista, problema na nga ang paggamit ng kubeta lalo na sa kanilang compound, dahil nasa anim na pamilya ang naghahati-hati sa paggamit ng iisang kasilyas.
“Ang gusto kasi ng Sanitation eh magkaroon na talaga itong Asingan ng Zero Open Defecation, yun yung isa sa naging prospect namin na compound. Kasi base doon sa surveillance namin noong Zero Open Defecation ng mga NDPs, iyong compound na yun ang isa sa may pinakamaraming walang cr na tig iisang household, wala man lang cr iisa lang ang cr nila.” ani ni Sharon Bugarin, Sanitation Inspector II at Municipal Population Worker ng bayan ng Asingan.
Ayon sa DOH ang kawalan ng maayos na palikuran sa ilang lugar ang nagiging sanhi ng kontaminasyon ng tubig na dumadaloy sa mga estero at water sewerage na maaring pagmulan ng mga sakit gaya ng Diarrhea, Cholera, Hepatitis A, at virus na nagdudulot ng Polio.
Nito lamang nakaraang Huwebes ay personal na bumisita at namahagi sa barangay Toboy at barangay Sobol si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ng libreng materyales sa paggawa ng banyo gaya ng toilet bowl, semento, pipe at lusob.
“Ito yung GAD Fund natin kung saan ini-incorporate natin yung programa natin sa kalinisan program ng munisipyo. Ito yung nakikita natin na magandang sulosyon para mas mapaigting pa natin, yung kampanya yung pag preserve ng ating environment.” saad ng alkalde.
Ani ni Mayor Lopez Jr. na bukas ang kanyang opisina upang matulungan ang mga residente ng Asingan na walang maayos na palikuran.
“Kung may magreport sa akin na mga punong barangay, na sa mga barangay na ito marami pa ang walang mga palikuran, maglalaan na naman tayo ng pondom upang mabigyan natin lahat ng mga kababayan natin na talagang walang palikuran.” pagtitiyak ng alkalde.
Nagpaalala naman ang ito sa apatnapu’t isang pamilyang inisyal na binigyan ng lokal na pamahalaan ng mga materyales dapat mapatayo na ito lalo na at parating na naman ang tag ulan.
“Nakikiusap ako na sana po’y ito’y gawin ninyo, ilagay ninyo, nandyan na po ang materyales yung gagawa na lang po ang kulang. At inaasahan ko na 100 percent na ito’y mailalagay ninyo sa inyong mga bakuran para ito’y magamit ninyo na isang disenteng palikuran ng pamilya po ninyo” dagdag ni Mayor Lopez Jr.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top