Nitong nakaraang Miyerkules ay pinagkalooban ng tig isang bagong bisikleta ang dalawampu’t isang Punong Barangay ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
“Sa partnership ng office of the Mayor, office of the Vice Mayor, Sangguniang Bayan at ng Liga President natin nakabuo tayo ng pondo para makapagbigay ng tag-iisa sa ating mga punong barangay. So with that i hope na yung mga punong barangay gagamitin yan na pang patrolya sa kanilang mga barangay at para makatipid tayo sa krudo din.”
Ayon sa alkalde, mas mainam kung bisikleta ang alternatibong transportasyon dahil malaki ang maitutulong nito para mabawasan ang epekto ng climate change.
Bukod sa pagbawas sa polusyon sa hangin, mas matipid pa ito kumpara sa paggamit ng iba pang behikulo at mapanatiling mabuti ang kalusugan.
Ang pamimigay ng bisikleta ay bahagi din ng pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa adhikain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation (DOTr) na gamitin ang bisekleta bilang aktibong transportasyon sa panahon ng pandemya.
Dumalo rin sa okasyon sina Vice Mayor Heidee Chua, Liga ng mga Barangay President Letecia Dollente at ang mga Punong Barangay.