Ginawaran ng 2020 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Special Award ang lokal na pamahalaan ng Asingan bilang pagkilala sa pagiging aktibo nito sa pagsugpo ng ilegal na droga.
“Actually yun yung performance natin from year 2017 noong panahon ni Mayor Heidee Chua to 2020 yung ating achievement turning Asingan to a drug free municipality. Nakita po ng DILG, ng PDEA at ng National Government thru kay President Duterte. Noong term ko na kinausap natin personally yung mga gumagamit at tinutukan ko ito intensively talagang drinive ko na maiturn natin itong ating munisipyo na isa sa mga bayan na drug free municipalities.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Matatandaan na pinasimulan ni dating Mayor Heidee Chua ang programang T.A.M.A sa Pagbabago (Talikuran ang droga at Makiisa sa Pagbabago) na ang may akda ay ang dating Chief of Police na si Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo. Kabilang sa isinagawa ang kauna unahang Job Fair para sa mga drug surrenderers sa Pangasinan.
Kasama sa pinasalamatan ng alkalde ay ang dalawampu’t isang punong barangay at Asingan Ministry Fellowship na tumulong bilang spiritual adviser ng mga drug surrenderee.
“Sa tulong po ng ating kapulisan from our former Chief of Police si Major Zacarias at tinuloy ni Major Ventenilla at siyempre yung mga kasama po sa MADAC natin, ang Sangguniang Bayan na pinapangunahan ni Vice Mayor Chua, ang ating Focal Person ng ating Anti Drugs na si Dr. Cardinez at si Mr. Mike Soliven, yung ating strategies of Planning ni Engineer Em Laroya at yung massive na pag Drug Testing natin na isa yun sa mga importante na effort ng ating butihin si Dr. Ronnie Tomas with all that collaboration and cooperation napabuo tayo ng isang team na nag walis sa mga drug element dito sa ating bayan Asingan. ” dagdag ng alkalde
Ang ADAC Special Awards ay naglalayong kilalanin ang mga lokal na pamahalaan na pagpapatupad sa kampanya laban sa iligal na droga sa kani-kanilang lugar, kasabay ng kampanya ng pambansang gobyerno laban sa droga.
Romel Aguilar / Photo JC Aying