??? ??????? ???????? ?? ???????????? ?? ???? ?????? ? ?? ????????? ?????? ?? ????????? ???? ???? ?????? ??? ???? ?????????
Sa pagbisita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 sa pangunguna ni Regional Director Marie Angela Gopalan sa bayan ng Asingan ay pormal nitong iginawad kay Mayor Carlos Lopez Jr. at Municipal Social Development Officer Teresa Mamalio ang Certificate of Appreciation bilang pagkilala sa LGU Asingan na nagpamalas ng dekalidad na serbisyo sa pamamagitan ng ginawang good practice documentation.
“We sent out a criteria for good practice documentation and then if an LGU or any organization or unit given to our department complies with those, we appreciate, recognize. What we actually need is knowledge management is parang how? what are the strategies so that it can easily be replicated in other areas. Tapos nakikita natin na maraming nagagawang developments or interventions, programs ang bawat isa so lalo na sa LGU responding to the unique situation nila.” ayon kay Regional Director Gopalan.
Labis naman ang pasasalamat si Mayor Lopez Jr. sa ahensya at nagsisilbi itong inspirasyon upang lalo pang paghusayan ng lokal na pamahalaan ang pagbubuo ng mga programa para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Asingan.
“Napakaganda po nito dahil na narerecognized po ng National Government yung mga programa po ng lokal [LGU], yan po ay may magandang implication sa atin. Na we will be given the opportunity na pagandahin pa, because we are inspired kasi nakikita at naappreciate ng National Government thru sa DSWD ang effort ng LGU.
Nagpapasalamat po ako sa pamunuan ng DSWD ,more power po sa inyo at sana makasama pa rin po namin kayo sa pagi-implement ng mga magagandang mga proyekto sa amin bayan.” dagdag pa ng Alkalde.