??? ???????, ?????? ?? ??? ???????? ?????? ??????-????????? ?? ??????? ?? ?????? ?? ?????????
Nitong Lunes ay pormal nang ipinasakamay ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. at Asingan Town Fiesta Executive Committee (ATFEC) Chairman Dr. Crispin Villanueva sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang isang Mitsubishi Canter Manlift na nagkakahalaga ng P860,000.
Magagamit ang equipment na ito sa sa paghahanda sa mga bagyo, pagputol ng sanga ng mga kahoy at pang-rescue.
“Sumulat kasi si Dr. Jess Cardinez bilang ating MDRMMO Officer na kailangan niya po ng mga ganun equipment, so sinulatan niya si Mayor at si Mayor sumulat din sa atin na kung pwede daw maglaan din tayo ng pondo ng ATFEC. Agad naman pumayag yung ATFEC officers kaya yun at agad kaming naghanap ng mga pagbibilhan po ng ganun equipment.” ani ni Villanueva.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa komite ng ATFEC at sa mga kandidata ng Mrs. Asingan sa pagkonsidera ng paggamit ng kanilang pondo.
“Nagpapasalamat ako sa ATFEC lalong lalo na sa mga reigning beauties natin, ang ating Mrs. Asingan si Madam Josephine Acain, ang ating 1st Princess Dr. Rosalina Saguiped at ganun din sa ating 2nd Princess Dra. Aurelia Velasco at sa ating chairman Dr. Crispin Villanueva.
Ang mga sasakyan ay magiging karagdagan sa mga kagamitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management at naglalayong makasalba ng buhay sa panahon ng kalamidad gaya ng lindol, baha, bagyo, sunog at iba pang di inaasahang sakuna.
“Nagprepare kami ng budget for 2021, pinondohan ng opisina ng MDRRMO yung pagpurchase ng 4×4 na pick up na gagamitin para sa rescue operations at pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.
For budget year 2022 maglalaan na naman kami ng siguro isang milyon para makumpleto yung gamit na ilalagay doon sa nabiling pick up truck.” saad ni Cardinez.
Kabilang din sa binili ng LGU Asingan ay isang bagong Nissan 4×4 na pick up.