??? ???????, ????? ?? ??????? ?????????? ???? ?? ??????????? ?????????? ?? ?????????? ?? ??? ????????????? ?????????? ???? ?? ????.
Sinimulan ngayong araw ng Lunes August 22, ang inisyal na assessment para sa Educational Cash Assistance na ipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development Officer (DSWD) anomang araw para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Alas otso na umaga hanggang ala singko ng hapon gagawin ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ang aktibidad sa Hon. Sapigao Sport Complex, mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang tanging kukunin lang ng mga kinatawan ng MSWD ay ang pangalan, dalang requirement at mobile number ng estudyante.
Ang pinal na desisyon at pay out ng Educational Cash Assistance ay manggagaling naman sa DSWD.
Ang priority na bibigyan ng DSWD educational assistance ay ang mga Student-In-Crisis gaya ng:
a. Breadwinners;
b. Working students;
c. Orphaned/abandoned and/or now living with relatives;
d. Children of Solo Parents;
e. Children of unemployed parents;
f. Children of distressed Overseas Filipino Workers (OFWs);
g. Children of Persons with Disability in Crisis;
h. Children of rebel returnees or persons deprived of liberty;
i. Children of person living with HIV or those living with parents with HIV;
j. Victims of abuse/displacement; and
k. Victims of crisis due to human-induced or natural calamities
Para sa pag-aapply ng EA ay magdala ng:
1. Isa sa mga sumusunod:
a. Certificate of Enrollment / Registration;
b. School ID ng estudyante;
c. Statement of account mula sa paaralan na nagpapakita ng babayarang miscellaneous fees; o
d. Anumang dokumento na mula sa paaralan na makakapagpatunay na naka-enroll ang bata
2. Valid ID ng magulang o guardian na mag-aapply ng educational assistance para sa mga minor na estudyante.
Ayon sa in-announce ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa kanyang Press Briefing noong 20 August 2022 ay hindi na kabilang sa mga mabibigyan ng DSWD EA ang mga benepisyaryo ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang mga estudyanteng may scholarship.
Hindi po kailangang sumama sa pag-apply ng DSWD EA ang mga estudyanteng below 18 years old. Ang magulang o guardian ng mga estudyanteng minors ang siyang mag-aapply ng EA.
Ang MSWDO ang magsesend ng listahan ng mga nag-apply ng DSWD EA sa Crisis Intervention Section (CIS) sa DSWD FO 1. Mag-iiskedyul ang CIS ng payout para sa mga kwalipikadong nag-apply ng EA at ipapaalam po ito sa ating LGU.