Sampung naggagandahang mga kandidata mula sa iba’t ibang bayan ang naglaban-laban para sa titulong Miss Real Queen Pangasinan 2022 ng ika-anim na distrito.
Sa unang pagkakataon makalipas ang mahigit dalawang taon, ay isinagawa ang patimpalak para sa mga LGBTQ+ na inorganisa ng REAL o Rights and Empowerment Advocates for the LGBTQIA Community Pangasinan.
Sa huli nangibabaw ang ningning ng dalawampu’t dalawang taong gulang mula sa Barangay Ariston East, Asingan na si Egyms Maala Corpuz.
“Actually hindi ko po ineexpect na mananalo ako, because wala po ako ni isang award, lahat ng candidate po may award ako lang po walang award. Pero dahil na rin siguro sa tayo ang may pinakamagandang sagot sa Q&A ayon po nanalo tayo” ani ni Corpuz.
Si Egyms Maala Corpuz ay kabilang sa mahigit tatlong daang miyembro ng Gay & Lesbian Advocates & Defenders (GLAD) ng Asingan.
Nagwagi din bilang “Best Attire of the Night” si Arje Esteban ng Miss Real Queen Pangasinan 2022 at Gayla Night habang nakiisa din naman sa tagumpay ang kilalang dance group na Dark Aces.
Taong 2013 ng binuo ang grupo sa pangugnguna ng kanilang Presidente na si Yda Taganas.
“Binuo namin kasi before parang faction-faction lang kami sa tri-barangay ng Ariston East, Ariston West at Bantog kami lang yung active.
Yung iba active din sa ibang barangay so why not gumawa tayo ng isang grupo entire Asingan para iisa tayo, until pinush kami ni Mayor na pa-accredit yung GLAD of Asingan kaya nabuo.” pahayag ni Taganas.
Binati naman ng Vice Mayor Heidee Chua ang grupo sa pagkakapanalo sa patimpalak at muling nagpapa-alala na laging isabuhay ang pagkakaisa.
“To the LGBTQ+ and GLAD of Asingan Congratulations! napakaganda ng simula ng taong ito sapagkat kayoý narecognize because of your effort and dedication. Let us remain united and let us always care for Asingan.” saad ng Bise Alkalde.
Samantala, tiniyak naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang tulong at supporta ng lokal na pamahalaan ng Asingan para sa kanilang komunidad.
“Kailangan ma-support din natin yung malilit din na group, na kung saan sila yung nag eexcel. sila yung nagbibigay ng pagkilala at timpalak sa ating bayan, so its high time na bigyan din sila ng pondo through sa ating GAD fund sa LGU.” ayon kay Mayor Lopez Jr.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga miyembro ng GLAD Asingan dahil sa patuloy na tulong at suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang grupo.
“Maraming maraming salamat kay Mayor Carlos Lopez Jr. kasi very open siya pag kami ang humihingi ng tulong talagang bukas kamay sa amin, accepted very supported together with his wife kay madam thank you thank you ver much. Sa Sangguniang Bayan maraming maraming salamat sa kanila kasi todo support sila sa amin and of course sa lahat ng sponsors namin yung nagpapamerienda sa amin everyday during practice maraming maraming salamat sa kanila.” ani ni Taganas.