?????????? ??????? ????????? ?? ?????? ??????, ?????? ??????????? ?????? ????-?? ?? ??? ???????? ????????? ?? ?????
Muling humingi ng tulong ang Department of Health Regional Office I sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno partikular ang mga nasa lokal na pamahalaan at sa kagawaran ng Edukasyon hinggil sa pagbabakuna kontra covid 19 sa 70% ng mga batang edad lima hanggang labing isang taong gulang bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Sa tala ng DOH Region 1 nito lamang May 13, nasa apatnaraan walumpu’t tatlong libo at pitumpu’t isa (483,071) na mga bata ang hindi pa natuturukan ng first dose habang nasa 34% pa lang ang nababakunahan nito sa rehiyon.
Sa datos naman ng Rural Health Unit ng Asingan nito lamang May 11 ay nasa 19.31% na ang nababakunahan ng first dose habang 9.16 percent naman sa mga chikiting ang nakatanggap na ng second dose.
Kaya naman ang RHU Asingan sa pangunguna ni Dr. Ronnie Tomas ay nagsasagawa ng simultaneous vaccination, isa na rito ang pagpunta sa iba’t ibang mga barangay ng mga miyembro ng Human Resource for Health (HRH) sa ilalim ng programa ng Department of Health (DOH) at mga personnel ng RHU na nasa People’s Park araw araw.