????? ??????????? ????????? ?? ????? ?? ??????? ??????????? ?? ???????? ????????? ???? ?? ??? ???????, ??????????? ???????? ??? ?? ????? ????????? ?? ?????? ????? ?????? ?????? ???????.
Tuloy tuloy ang pagtulong ng nina Congressman Condrado Estrella III at dating Board Member Ranjit Ramos-Shahani sa mga biktima ng sunog kamakailan dito sa bayan ng Asingan.
Ito ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng financial assistance sa mga nasunugan sa Barangay Carosucan Norte at Barangay Bobonan.
“Sa Carosucan Norte nakapagbigay po ang lokal na pamahalaan ng pambili ng materyales at the same time nagrequest din tayo ng tulong galing po kay Congressman Conrad Estrella at nakapagbigay din siya ng tag lilimang libo (P5,000) sa bawat pamilyang nasunugan. Ganun din si former Board Member Ranjit Shanani nakapagbigay din po siya ng tulong. Pati din po sa Bobonan magbibigay din ng LGU ng pambili ng materyales at nagbigay din si Board Member Ranjit ng five thousand (P5,000) sa nasunugan.” pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Paalala naman ng alkalde, tiyaking walang mga electronic appliances na maiiwang naka-plug na posibleng pagsimulan ng sunog.
“Advice natin ang mga kababayan na mag ingat po siguraduhin po natin na naka unplug po lahat ang mga saksakan po ninyo. At kung mayroon faulty wiring po kayo na nakikita ipagbigay alam po sa Panelco o kaya sa barangay, para maaksyunan po nila kaagad wag na po natin intayin na masunugan po tayo.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.