Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

???-???? ????? ????? ?? ???? ??????????, ???????? ?? ????? ?? ???????

Jun
9,
2022
Comments Off on ???-???? ????? ????? ?? ???? ??????????, ???????? ?? ????? ?? ???????

???-???? ????? ????? ?? ???? ??????????, ???????? ?? ????? ?? ???????; ?????????? ???? ???? ?? ??? ???????? ?? ????, ????????? ???????? ????? ?? ??? ?? ????????
Malaking kaginhawaan para sa kapwa guro ng Angela Valdez Ramos National High School na sina Pia Corpuz at Lanie Calibo ang pagkakaroon ng GSIS Wireless Automated Processing System o GWAPS kiosk sa bayan ng Asingan.
Hindi na raw kasi nila kailangang bumiyahe ng mahigit dalawang oras mula Asingan papuntang Dagupan upang mag-verify ng kanilang loan at iba pang serbisyo ng ahensya.

“Napakalaking tulong sa amin kasi andito na po kami sa Asingan, meron na po dito sa atin mas malapit tipid sa pamasahe at oras. So we are very much grateful kasi talagang nagkaroon po tayo ng ganito.” pahayag ni Pia Corpuz.
Ngayong araw pormal na binuksan ng ahensiya sa bayan ng Asingan ang pang animnapu’t limang (65) kiosk sa lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni GSIS Dagupan Branch Manager Leon Ma. Fajardo.
“Yung machine po na dinedeploy po namin sa mga selected agencies, para mapadali po ang pag transact ng business with GSIS sa mga empleyado. So dito po sa GWAPS kiosk makikita ng isang member ang kanilang record, pwede silang mag avail ng loan, they can even check the tentative computation ng kanilang benefits, like the maturity benefit and retirement benefit.” ani ni Fajardo.
Dagdag pa ni Fajardo na pwede na rin gamitin ng mga pensionado ang GWAPS kiosk upang magpaberika para sa Annual Pensioners’ Information Revalidation o APIR .
“So ang isang pensionado po ay kailangan po magpunta upang magbiometrics sa kiosk para po marecord po sa GSIS na buhay pa po sila. We can expect na yung mga pensionado in the nearby areas, municipalities would be coming over para po sa pag APIR na ito.” saad ni Fajardo.
Samantala, sinabi rin nito na pinag iisipan na rin ng ahensya ang pag-apruba ng motorcycle loan para sa kanilang mga miyembro.
Sa kasalukuyan ay may apatnapu’t limang libong (45,000) miyembro ang GSIS sa probinsya.
“Ang proposal namin is have this motorcycle loan, para naka-isolate ka, may sarili ka (sasakyan) and then very affordable yung amortization niya. But still nasa pipeline for approval pa rin siya, hopefully lumusot at made available sa mga member kaagad kasi kailangan nila.” ani ni Fajardo.
Lubos naman ang pasalamat ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at Vice Mayor Heidee Chua sa pamunuan ng GSIS (Government Service Insurance System) sa pagkonsidera ng paglalagay ng GWAPS kiosk sa bayan.
Dumalo rin sa isinagawang ribbong cutting sina Councilor Ira Chua, Councilor Mel Lopez, Councilor Melchor Cardinez, Councilor Joselito Viray, LGU Asingan Department Heads at DepEd.
Bukas ang GWAPS kiosk mula 7AM hanggang 8PM mula Lunes hanggang Biyernes at 8AM hanggang 5PM naman pag Sabado, dalhin lamang ang inyong mga Umid Card.
At para sa iba pang katanungan maaring magpadala ng email sa gsisdagupan@gsis.gov.ph

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top